Bakit mas mainam na dadaan muna sa pagsusulit ang mga guro bago ang promosyon para sa pagiging Master Teacher
Alam naman nating ang pagiging Master Teacher ay hindi basta-bastang nakukuha. Ito ay pinaghahandaan at pinag-iipunan na din. Masarap pakinggan ang salitang Master Teacher pero sa totoo kaakibat nito ang responsibilidad.
Dati, ang pag-abot sa rurok na ito ay medyo mahirap para sa mga karaniwang guro lamang. Kumbaga, mas konti pa ang mga na pro-promote noon kumpara ngayon. Dahil na din siguro sa kaibahan ng mga guidelines noon kumpara ngayon.
Sa kasalukuyan, medyo marami-rami na ang mga gurong gustong maging master teacher. Marami na rin ang mga nagbabalik skwela o nag ma-masteral upang madaling ma promote. Pansin siguro ng karamihang guro ang kaibahan ng sahod. Medyo mas malaki kasi ang sahod ng mga master teacher kumpara sa mga nasa ibaba.
Ngayon, gusto ng ilang guro na dumaan sa proseso ng pasulit ang mga aplikante bago sila mabigyan ng promosyon. Ito ang mga rason:
1. Mas valid ang promosyon kung lahat ng aplikante ay dadaan sa pasulit. Syempre dito malalaman kung taglay ba ng isang aplikante ang mga hiyas na kaylangan.
2. Marami kasi ang na pro-promote na ang pinagbabasehan ay “seniority” pero hindi karapat-dapat. May iilan na naging master teacher nga pero hindi naman marunong gumanap sa titulo nya.
3. May guidelines naman na sinusunod kaya okay lang na may mga mas bata din na mag-aplay. Importante lang naman dito ay pasok sa guidelines upang mapasali. Meron kasing ibang mga batang guro na tapos na sa kanilang master’s degree.
4. Mas patas ang ranking kung lahat ng aplikante ay dadaan sa pasulit. Dapat lahat ng pasok na aplikante ay pawang magagaling talaga.
5. Mas mainam ang pasulit para maiwasan ang mga pasok na aplikante dahil sa mga koneksyon. Marami din kasi ang gumagamit nito sa ngayon.
6. Ang pasulit ay daan na din upang walang masabi ang ibang tao. Higit na patas ito at kung may mga puntos man na kakaylangin, sa mga papeles nalang ang labanan. Masasabi pa rin nating mas lamang ang mga nakakatanda dahil sa dami ba naman ng mga certificates. Plus factor na din ang mga trainings at seminars.
Sa lahat ng pagkakataon, mas mainam talaga ang may patas sa labanan para maakaiwas sa mga isyu. Ang pasulit ay isa lamang instrumento upang magsipag ang nauukulan.
Lahat ng guro ay may karapatan sa promosyon. Pagkatandaan lang na mas maigi ang tamang tayming sa lahat. Kung sa palagay mo naman ay masyado kapang hilaw, mag-aral ka muna at huwag magsayang ng oras. Hindi naman paligsahan ang pagiging master teacher. Ito ay isang tungkulin na dapat marapatin para sa kapakanan ng mga mag-aaral at ng paaralan. – Clea | Helpline PH