Mga “TEACHERS”: Marami nga bang pera?
Hindi ko lubos maisip kung bakit sadyang may mga tao talagang ang tingin nila sa mga guro ay “mayayaman” at minsan na rin akong naging biktima ng salitang “dami mong pera pero kuripot mo”. Kung sana ay alam lang nila ang totong kalagayan nating mga guro, hindi na siguro nila tayo huhusgahan kaagad. Dahil dito ay napaisip ako kung bakit nga kaya akala ng ibang tao kapag teacher ka ay marami kang pera na sa totoo ay wala naman. Ito yung mga rason na nakikita ko ngayun.
1. Maraming tao ang naririnig nila ay malaki daw ang sahod ng mg guro
Halos lahat ng tao lalo na yung wala talagang ideya sa propesyun namin ay malaki ang tingin nilang sahod na natatanggap namin. Mula noon hanggang ngayun yan ang akala ng iba kung kaya ay nadadala na din hanggang sa mga susunod pa na henerasyon.
2. Maraming mga kabataan ang kumukuha ng kursong education dahil malaki daw ang sahod
Ang mga magulang na todo kayod para sa mga anak nila ay gustong gusto nila na kukuha ng kursong edukasyun ang kanilang mga anak sa pag iisip na ito lang ang tanging kurso na magsasalba sa kanila sa kahirapan. Ito ay kadalasan talaga na impresyon ng mga magulang.
3. Marami kasing nagpapa-utang sa mga guro
Dahil na din siguro sa dami ng nag aalok ng pautang (loans) sa mga guro kung kaya ay iisipin ng iba na maraming pera ang mga guro. Ang totoo niyan, maraming utang ang mga guro, hindi pera ang marami kundi utang kung kaya ang iba iniisip nila na mayaman ang mag guro dahil nakikita nilang nakakabili ng tamang pagkain para sa mga anak ang mga guro kahit walang pera.
4. Nakakapagpatayo kasi ng bahay ang mga guro
Maraming guro kasi ang nangangarap maka buo ng sarili nilang munting bahay kung kaya at nangutngutang sila (loan) para maisakatuparan nila ang kanilang mga plano. Ang ibang tao naman ay buong akala nila na super yaman na talaga kung mkapag pagawa ng bahay ang isang tao.
5. Mga anak ng mg guro ay kadalasang nakapag tapos ng pag-aaral
Kadalasang mga anak ng mga guro ay nakakapagtapos talaga ng kolehiyo lalo na yung mga na tutukan talaga ng mga magulang. Dahil nga maraming pwedeng magpautang sa mga guro ay nai-aahon talaga ang pag-aaral ng mga anak.
6. First impression ng marami kapag guro ay mayaman dahil ma postura ang mga guro kung pumunta sa klase (syempre dahil may standard uniform kami)
May dresscode o uniporme kasi kaming mga guro kaya minsan, akala ng tao na sosyal na talaga ang mga guro tingnan sa postura palang.
7. May ibang guro din kasi na grabi makasuot ng mga alahas at minsan nasosobrahan na din (pasensya napo pero totoo ito sa iba)
Dahil guro din naman ako, ayokong maging bias kung kaya isinali ko na din itong rason na ito kung saan napapansin ko sa ibang ka guro ko. Ako man ay mga alahas din pero di ko masyadong nilalagay sa lahat ng parte ng katawan ko . Sapat na sa akin ang kwentas, wedding ring at relo. Pero yung iba din naman kasi sa mga guro wagas din makasuot ng mga alahas kung kaya donyang donya tingnan. Pero para sa akin, wla na din tayong pakialam kung gustohin man nila magsuot ng mga ganyan. Buhay nila yan kaya bahala sila.
8. Yung ibang guro din minsan nilalagay nila ang lahat ng gala nila sa social media kaya akala tuloy ng iba maraming pera
Minsan, may mga guro din naman na kung maka post ng kanilang mga gala o tour sa social media ay walang preno. Tuloy iniisip ng iba na marami nga talagang pera. Gayunpaman, malaya pa din naman tayong lahat na mag post ngunit siguro minsay e filter natin pero sa nasabi ko nga, wla na tyaong pakialam sa ibang guro dahil iba iba tayo ng katayuan at buhay nila yan.
9. Maraming guro ang mas nagpapaganda at nagpapakulay ng buhok kung kaya ay iniispip ng iba na donya na
Minsan ko nang narinig ang isang matandang lalaki na sinabihan ang kasamahan ko “bili ka na mam sa paninda ko, buhok mo nga mam makulay oh siguradong mahal yan mas mahal pa dito sa paninda ko”. Malaya talaga naman magpaganda kaming mga guro dahil syempre pag hindi naman ka aya aya ang itsura mo sa harap ng mga bata ay ma babash ka din. Pero yun na nga, iisipin ng iba kapag may kulay ang buhok na mayaman ka kahit di naman.
10. Marami din ang guro ngayun na may mga sasakyan na kaya ang iniisip ng iba mayaman na talaga
Sa panahon natin ngayon kung saan ‘necessity’ na ang sasakyan ay maraming mga car stores ang nagpapautang na din ng mga sasakyan. Marami din sa mga guro ang may mga utang na sasakyan at tulad ng sabi ko sa itaas, ang iba ay iisipin nilang ,marami talagang pera ang mga guro dahil may sasakyan na.
Lahat ng nabanggit ko dito ay pawang katotohanan at hindi na siguro natin maiwasan na iisipin yan ng iba. Basta ang pakatandaan ninyo, ang swedo namin sa isang buwan ay hindi na magkasya dahil kadalasan ay nagamit na dahil nga may mga utang na kaming dapat bayaran. Siguro kung akala ninyo ay maraming pera ang mga guro, ngayong nabasa nyo na ito ay mag ideya na kayo sa katotohanan. Yun nga lang, marami kaming ipagpapasalamat dahil mga guro kami at kahit minsan ay kulang pa ang sweldo naming, ang importante ay nakakaraos kami sa buhay at may trabaho pa din kami kung kaya mahal namin ang aming propesyun. – Clea | Helpline PH