Ibinida ng isang guro ang penmanship ng kanyang estudyante na mala-typewriter ang dating
Napasana all si Ma’am Rexy Anne Lozada Bañez sa penmanship ng kanyang estudyanteng si Renato Jumawan at ipinagmalaki niya sa social media. Nagviral ito at talaga namang maraming netizens ang namangha sa sulat kamay ng estudyante na mala-typewriter talaga.
Saad ni Ma’am sa kanyag post:
“Flexin’ my student’s amazing penmanship
Mura jud ug gigamitan ug typewriter (Para talagang gumamit ng typewriter)
Mapapa-sana all ka nalang “
Hindi naman mapigilan ng mga netizens na magbigay ng papuri at komento sa naturang post.
“Ang nice naman! Sana ganyn din ang pagsusulat ko. Kahit ako mismo hindi ko maintindihan ang sulat ko eh.”
“Yung ang ganda na ng sulat mo tapos na-nabalanse mo pa yung equation. Ikaw na kuya.”
Nagcomment din ang isang guro at saad niya.
“Ang sarap magcheck kapag ganito ang makikita ng guro sa kanyang estudyante. Pinatunayan niya na accounting is an art.”
Sa darating na pasukan kung saan sumusunod tayo sa new normal at inaasahan na lahat ng mga sagutang papel ng ating mag-aaral ay ang mga guro ang magchecheck, sana ganito kaganda ang kanilang mga penmanship ng hindi sumakit ang mga ulo ng ating mga guro. – Avril | Helpline PH