Skip to content

Mga rason kung bakit maraming public school teachers ang nag e-early retirement

Bakit maraming public school teachers ang nag e-early retirement

Kadalasan, inaasahan natin na ang retirement age ng tao ay nasa 60 hanggang 65 na taong gulang pero minsan, palihim na nag nanais na mka retiro sa pag ta-trabaho ng mas maaga. Ang pag iisip ng maagang pag reretiro sa trabaho  ay nagdadala ng kaunting kasiyahan dahil maraming bagay-bagay ang pwedeng gawin habang kaya pa. Hindi malayo kung kaya ay marami ding mga public school teachers natin ngayon ang madalas na nag reretiro sa pag tuturo nang maaga. Pag uusapan natin ngayon ang mga kadahilanan o rason kung bakit maraming mga guro sa pampublikong paaralan ang nag reretiro sa kani-kanilang mga posisyun ng maaga pa.

1. MAY MGA SAKIT NA (HEALTH ISSUES)

Maraming guro ngayon ang natatamaan ng mga sakit dahil na rin siguro sa stress. Dahil sa iba na nga ang panahon natin ngayon kompara dati, kung saan isang dahilan na din ang mga kinakain natin kung kaya ay mahina ang mga katawan at dahil dito ay medyo madali lamang tayong kapitan ng mag sakit lalo na yung mga gurong medyo may edad na 50 taong gulang pataas. Dahil sa mga iniindang sakit, napipilitang mag retiro nang maaga ang ibang guro para magpagaling nalang sa kani-kanilang mga tahanan.

2. DI NA MAKASABAY SA BAGONG TEKNOLOHIYA (CAN’T GET A HOLD OF THE NEW TREND IN TECHNOLOGY)

Dahil sa pag usbong nga makabagong teknolohiya ay parang hindi na makasabay ang ilan sa mga gurong may edad na. Nahihirapan silang makibaka sa bagong henerasyon at kung paano ito ipinatatakbo. Dahil dito, mas bubutihin nalang ng ibang mga guro na mag retiro nang maaga at makawala sa mga balakid na dulot ng makabagong teknolohiya na para sa kanila ay isang malaking pasanin.

3. PAGOD NA KAKA-TRABAHO (TIRED OF WORKING ALREADY)

Talagang ang ibang mga guro ay pagod na sa matagalang pagtuturo kung kaya’t nanaisin na lamang nilang mag retiro nang maaga para makawala sa stress at pagod na dulot ng trabaho. Literal na trabaho katulad ng mga paperworks at iba pa (sa bagong henerasyon kasi mas marami ang paperworks na gawain ng mga tistser).

4. BUONG PAMILYA AY MAG IMMIGRATE SA IBANG BANSA (IMMIGRATE TO ANOTHER COUNTRY)

Marami din ang mga gurong swerte at minsan ay nakaka pag immigrate sa ibang bansa kasama ang kanilang pamilya. Syempre, kung hindi naman masyadong kaylangan ang pera, magreretiro talaga ng maaga at don na lamang manirahan sa ibang bansa kasama ang kanilang mga anak at mga apo. Marami akong kakilala ang gumagawa nito at kadalasan nag e-enjoy nga naman sila sa kani kanilang mga buhay.

5. GUSTONG MAG TRAVEL HABANG BUHAY PA (WANTS THE REST OF THEIR LIFE TRAVELING)

Sino ba naman ang aayaw sa pagnanais na maka lipad sa iba’t ibang sulok ng mundo diba? Ang pinapangarap ng lahat na bakasyon na walang humpay at gawin ang gusto nila na hindi pa nila nagawa noong sila nay nag ta-trabaho pa lamang. Dahil nga halos buong buhay natin ay nakalaan sa pag babanat ng buto para sa pamilya kung kaya wla tayong oras para sa bakasyon dahil hindi naman tayong lahat ipinanganak na mayaman. Ito ay kadalasan ang rason kung bakit maraming guro ang nag reretiro nang maaga.

6. MAY IBANG PINAGKAKA ABALAHAN (NEW HOBBY TO EXPLORE)

Yung iba, nag reretiro sila dahil gusto nilang ibaling ang buong oras nila sa kanilang bagong libangan. Yung mga libangan na hindi nila inaasahang magugustohan nila. Halimbawa ay ang pag ga-garden o farming.

7. WALA NG PINAG-AARAL (THEIR CHILDREN ARE NOW THE ONES WHO SUPPORT THEM)

Ang ibang may edad na guro ay swerte dahil sa malalaki na ang mga anak nila at wala na silang pinag –aaral kung kaya ang mga anak na nila ngayun ang sumusuporta sa kanila. Ang mga anak na mismo ang nagpapahinto sa kanila sa pag ta-trabaho. Kumbaga, “payback time” para sa kanilang mga magulang sa ilang taong pag ta-trabaho para sa mga anak nila.

8. GUSTONG MAKAWALA SA STRESS (FREEDOM FROM STRESS)

Ang lahat ng nag reretiro talaga nang maaga ay gustong makawala sa ‘stress’ na dulot ng ilang taong pag tuturo. Simple lang, gusto na nilang magpahinga sa kanilang mga sariling tahanan.

Ang lahat ng disisyun sa buhay ay dapat panga-ngatawanan natin kung kaya, kahit ano pa man ang mangyari lagi dapat nating iisipin na kahit wla na tayo sa trabaho ay ma enjoy natin naang maayos ang ating mga ginagawa. – Clea | Helpline PH

16 thoughts on “Mga rason kung bakit maraming public school teachers ang nag e-early retirement”

  1. Tupak na tupak.
    Dapat ipatupad na nila ang 56yrs. RETIREMENT sa public school teacher ?
    Naawa ako sa mga matandang titser na hindi marunong makipagsabayan sa gawaing TEKNOLOHIYA.

  2. ANG TURING KASI NG MGA HEADS SA TEACHER AY MAKINA NA HINDI NAGKAKAMALI. MGA EPOKRITA ANG TINGIN NGA HEADS SA MGA TEACHER. AYAW MALAMANGAN AND INSECURITY AND HMMMM ATTITUDE. YAN ANG AYAW KO.

  3. IM 58 YRS, OLD NOW AND I'M CONSIDERING TO RETIRE AT AGE 60:
    COZ OF PAPER WORKS ( DAILY, WEEKLY, MONTHLY AND YEARLY SUBMISSION OF TRUE AND SOMETIMES NOT TRUE DATA) Just for compliance is the Name of Game.

  4. Same here. Mama ko 59y/o namatay hindi nakapag retire for 33yrs in service dalaga pa xa at start. konti lang benefits nakuha pagkamatay niya ang taas ng serbisyo nya sa gobyerno pioneering teacher pa sa school na pinagtatrabahuan. Marami kaming mga anak kaya cguro namatay agad. Sana kung anong nakukuha na age bracket ng mga police at sundalo sana ganun din samin mga kaguruan. Age and length of service din sana kagaya nila.

  5. May guro din akong.kasama na namatay agad 5yrs in service as usual wlang benefits na nakukuha ang dalawang anak na naiiwan sa kadahilanan na below 15yrs in sevice pa di pwd sa gsis yan dapat 15yrs pataas may makukuha na claim ang mga survivor. Bakit ang pulis at sundalo ang kanilang family granted for survivorship pareho naman nag serve sa country ang mga guro! Wlang sundalo at pulis kung walang guro kumukuha cla ng form 137 at good moral character cert.sa amin tapos pagdating sa benefits iba sa kanila. Ano bang meron sa kanila na di pwd sa amin?

  6. Sana po tulad ng mga pulis at sundalo. Na kapag namatay sila, may allowance ang mga dependent children para my pampa aral at pati ung wife. Isa isa. Na menor de edad ang anak my educ allowance. Smantala ang mga guro wala . Burial lang ang natatanggap. 30k lang sa Gsis pa. San po aabot yun kung marami ang anak.?

  7. Mahirap talaga maging guro laluna sa public schools.yung disiplina saestudyante ang dibdib kong mabuti.mayroong mababait at masunurin at meron ding pasaway.need maging flexible pra masayawan ang bawat personalidad.45 years akong nagturo.ciguro passion ko tlaga at nagpatuloy p sa pagtuturo up to age75.

  8. May KAISER Long Term Care ka na ba?

    Kaiser Long Term Care (also known as "Kaiser Ultimate Health Builder (3in1 Plan)" – is an HMO (Health Maintenance Organization) savings plan which is a complete Financial Solution that answers our 3 major financial needs:

    1. #Healthcare – magagamit natin when we got sick, hindi na natin problema yung pampaospital. At cover tayo nito even when we retire – kung saan mas kailangan natin yung healthcare, kasi dyan na naglalabasan yung mga health conditions.

    2. #Life_Protection – in case something will happen to us unexpectedly – maaga tayo tinawag ni Lord, makaka-receive ang family ng life insurance money. This is crucial especially kung ikaw ay breadwinner – hindi na problem ang mga gastusin, pampaaral sa mga anak, at magagamit din na makapag-start ng business to generate continuous income.

    3. #Investment – kapag blessed tayo ni Lord with long life – it's good news, pero ang tanong ngayon, "enough ba ang savings natin to support our needs when we retire?" – This will generate passive income sa ating retirement years, ito yung panahon na hindi na tayo kumikita ng active income kaya kailangan natin magbuild ng passive income as early as we can para kahit na hindi na tayo nagtatrabaho ay pumapatak parin yung income.

    Grow your money faster, better, and safer by investing in Kaiser Long Term Care with 10% average returns per year.

    "Time is precious and regret is always at the end. Take control of your future while you can."

    Be Healthy and Insured while investing!

    Act Now, secure your future!
    If not now, when?
    Kung wala ka nang oras?
    If not this, what else out there?

    Saludo po ako sa mga mahal naming GURO. Sana po masecure nyo rin ang lifetime Healthcare nyo na may Investment at Insurance na po, 3 in 1. Attend po kayo ng Financial Literacy Education free po binibigay ni IMG.. MESSAGE nyo lang po ako. God bless po.. Puede nyo po ako email.

  9. dahil iba anf insurer ng mga police at sundalo, mrbs sila hindi gsis. depende yan sa plan ng insurer . Iba rin ang computation sa kanila,favorab;e sa kanilamg mga members.

  10. So stupid age ang basis for retirement for teacher in my case I started teaching age 21 so wait tell 60 please take a look on situation like this dep ed and GSIs you are not helping us I can not embrase the technology easily please take a look on this

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *