Bakit natatagalan ang ibang guro mag print ng kanilang module
Ang mga guro sa DepEd ngayon ay abalang abala na sa pag hahanda para sa pagbukukas ng klase ngayong Oct. 5, 2020. Kasabay din dito ang paghahanda nag bawat isa sa kani kanilang mga Self Learning Modules (SLMs) at Learning Activity Sheets (LAS) na siyang ibibigay sa mga mag-aaral na kasalukuyang nasa kani kanilang mga tahanan habang hindi pa pwedeng mag face-to-face at habang naghihintay ang Pilipinas sa kaukulang vaccine sa virus.
Dahil nga bawat guro ay abala na sa kanilang mga materyales, ay meron din namang ibang guro sa iba’t ibang subjects ang naguguluhan dahil hanggang ngayon ay hindi pa nila na nai-print ang kanilang mga modyul. Ano ano kaya ang mga dahilan at natatagalan sila sa pag-print at pag-reproduce ng mga ito? Sa ibaba ang mga dahilan:
1. Di makapag print ang ibang guro dahil may utos galing sa itaas na maghintay sa mga modyul na ibibigay ng division office
May utos kasi galing sa division office na hindi muna mag print kapag hindi pa dumating yung opisyal na SLMs galing sa Central Office ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin. May ibinigay pero yung sa English, Filipino, Math at Science lang. Paano naman kaming mga TLE teachers?
2. Hintay ng hintay ang mga guro sa official na modules na ibibigay ngunit hanggang sa mga oras na ito wala namang ibinigay
Pagkatapos mag tagubilin na hihintayin ang modyuls galing sa Central Office ngayon naman ay hintayin ang modyuls galing sa division office. Iyon pa rin naman ang problema, naghihintay kami sa wala. May ibang galing sa division office pero yung sa ibang subjects parin at hindi kompleto.
3. Kadalasang mga guro na naapektuhan ng paghihintay ay ang mga guro sa TLE or TVE na hanggang ngayon ay wala pa rin
Dahil nga walang dumating na SLMs galing sa itaas ay nag disisyon na ang bawat paaralan na talagang gumawa nalang ng sariling SLMs at LAS at hindi na maghintay pa para hindi rin ma delay baka sakaling wala nga talagang darating.
4. Paulit-ulit ang mga tagubilin na hintayin ang opisyal na modyuls at bawal kopyahin o gamitin ang modyul sa ibang rehiyon
Dahil ang tagubilin ay bawal kopyahin ang modyul sa ibang rehiyon, ang ginawa ng mga guro ay gumawa ng sariling SLMs at nag papa tsek nalang sa kani-kanilang checker sa skwelahan at minsan ay ikinokompara nila sa ibang distrito ng parehang rehiyun para din may pagkakapareha.
5. Walang sariling printer ang ibang guro at kulang sa suplay ang skwelahan
Isa ito talaga sa pinaka problema ng mga guro dahil hindi lahat sila ay may printer na sarili sa kani-kanilang bahay.
Kahit paman sa mga problema ay ginagawa pa din naman ng mga guro ang kanilang mga trabaho at dahil malapit na nga ang Oct. 5 ay sadyang gumagawa ng paraan ang mga guro para mai-ahon ang mga problema ng modyul at mga kaakibat nito. Hindi man ganoon ka perpekto pero alam nating lahat ang sakripsiyo sa pag gawa ng modyul kaya sana ay hindi sayangin ng mga studyante ang mga modyul na ito at sana ay pag-aralan nila ng maayos. – Clea | Helpline PH