Printer is life
Isa din ako sa libo libong mga guro dito sa pampublikong paaralan na apektado ngayon sa tinawatag nating “new normal” sa pagtuturo. Sa totoo lang, isa lang ang lagi kong dalangin: “Na sana ay matapos na ang pandemyang ito at nang maka balik na sa mga paaralan ang mga bata.”
Hindi madali sa mga bata at guro ang senaryo ng ating edukaston ngayon pero kahit mahirap ay kinakaya. Dahil nga puro modyul ang ibinibigay namin sa aming mga studyante ay kaylangan naming mga guro ang maraming suplay ng bondpaper ngunit ang pinaka importante sa lahat ay ang PRINTER na sadya namang kaylangan talaga upang mai-print ng maramihan ang mga SLMs at LAS ng mga mag-aaral.
Kahapon lang ay ipinokos ko ang aking oras sa pag print ng modyuls ko at LAS at sa kasawiang palad, bumigay ang aking pinaka mamahal at ini-ingatang printer. Sa kalagitnaan pa talaga ng pag pi-print ko bumigay. Nakapanlulumong isipin at nakakainis din dahil marami pang hindi nai-print. Ito ngayun ang aking isang hinaing kung kaya naman ay naisipan kung gawan ng artikulo itong isa sa pinakamahirap na pasgsubok. Sa totoo lang, marami pa talagang mga guro na wla talagang printer sa kanilang bahay at gumagastus ng pera para mag print sa mga internet café. Kahit na sabihin pa nilang meron naman daw sa mga paaralan ang printer, hindi ito magkasya sa mga guro kung lahat ng guro ay aasa na lamang sa iisang printer lamang sa opisina. Mabuti nga yong ibang mga guro ay meron ng printer katulad ko, limang taon na sa akin ang printer na iyon ngunit ngayon lang talaga bumigay dahil siguro sa daming ipini-print ko dito. Siguro hindi na nakayanan ng aking mumurahing printer kung kaya ay bumigay na siya. Ngayun paano na ako makaka tapos sa aking modyuls? Ay naman, paniguradong problema ko na yun dahil wala din namang maitutulong kahit na mag walwal sa social media kaya ayon alam kong gagawa pa din ako ng paraan para ma print ang kulang.
Sa senaryong ito, nailalarawan ko na ang ibang guro na katulad ko din kung saan gumagamit ng sariling printer at kalaunan ay bumigay din sa dami ba naman ng ibubuga nya sa isang araw paniguradong sira talaga agad ang printer mo. Sana man lang nakita ng gobyerno ang problemang ito na makatotohanan sa aming mga guro ngayon. Sana din ay bigyang puna ang kakulangang ito. Alam naman nating lahat na mahirap magpalabas ang ahensya ng budget para dito dahil kami nga na malaking paaralan ay nahihirapang bilhin ng agaran ang RISO machine hanggang ngayon ay wla pa din, paano nalang kaya yung mga maliliit lang na paaralan? Sana lahat ng paaralan ay bigyan na lang ng tig-iisang RISO machine para hindi na magkanda sira sira ang printers na pansarili ng mga guro. Sana lang ay pwedeng bigyan ng mga printer ang mga guro para malutas ang hinaing na ito. O kung hindi man tig-iisang printer ay RISO machine na siguradong malaking tulong sa pag paparami ng kopya ng mga modyuls.
Sa panahong ito, kanya kanyang raket nalang ang mga guro kung paano nila matapos ang kanilang mga trabaho at maibigay at kaukulang edukasyon sa mga mag-aaral nilang minamahal. – Clea | Helpline PH