Tama bang si titser ang sisihin sa mga sablay na modules
Viral sa social media ngayon ang mga modules na may mga konting sablay at kamalian na napuna ng mga magulang at mismong mga studyante. Mula ng naisakatuparan ang pag mo-module ay maugong na online ang iba’t-ibang reaksyon at komento mula sa mga tao. Kanino ba dapat isisi ang mga sablay at kamalian na napuna ngayon? Tama ba na ang mga guro ang ating sisihin sa mga ito? Narito ang aking reaksyon at opinyon sa mga bagay na dapat nating isa alang-alang bago tayong lahat humusga at manisi.
Sa parte ng DepEd…
Ang mga konting sablay sa module ay ginagawan na ng aksyon ng DepEd at iniimbistigahan na. Hindi pa naman talaga sigurado kung ito nga ay module ng DepEd ang nag viral online. Kung sa DepEd nga na module ang naturang nag viral, hindi natin sisisihin ang mga guro sapagkat hindi sila ang gumawa ng mga module kundi galing sa pinaka itaas at bago nila ito i-prininta ay naka Quality Assured ang mga ito kung kaya naman ay bawal na itong i-edit (pwera nalang doon sa mg subjects na walang gumawa galing sa itaas gaya ng mga TLE subjects kung saan ay talagang ang guro na nagtuturo sa naturang subject ang gumagwa).
Sa parte ng mga magulang…
Ang modules po ay nakalaan para sa mga mag-aaral at ang mga magulang ay siya lamang gabay sa pag kumpleto dito, hindi dapat ang magulang ang sasagot sa mga tanong. Para din sa mga magulang na nkakita sa mga konting sablay o kamalian sa mga modules, siguro naman ay pwede nalang natin isangguni muna sa mga guro na kina uukulan para magawan ng paraan at corrections ang ano mang pagkakamali dahil kahit anong gawin natin, ang mga gumawa ng modules na iyan ay mga tao lang din at nagkakamali kahit na may Quality Assurance pa yan.
Sa lahat ng mga tao na makakabasa ng mga sablay…
Siguro naman ay mas mabuting kesa e post natin sa social media ang mga kamalian ay isangguni nalang natin ito sa mga guro at huwag ng idaan sa pag ba-bash dahil kahit anong gawin natin kung may kamalian talaga ay hindi mareresolba iyan kapag sa social media natin epopost. Malamang ay pagpipistahan lamang iyan nga mga taong nagmamarunong din at kalaunan tayo tayo pa din naman ang apektado. Sa halip na gumawa tayo ng mga hakbang na nakakasira, bakit hindi nalang natin tulungang maitama ang mga kamailan para ng sa ganon, naipakita natin sa ating mga kabataan ang importansya ng pagtutulungan at hindi ang paghihilaan pababa. Kunting kamalian lang at dapat maitama kaagad kaya di na kailangan pang pag pyestahan sa social media. Lagi nating tatandaan na ang pandemyang ito ay panandalian lamang at kung magiging maayos na ang lahat ay muli tayong babangun at babalik sa ating kinagawian. Pansamantala lang naman ang modules na ito kaya tayong lahat ay maging mapag pasensya lalo na para sa ikabubuti ng ating mga kabataan. Ika nga, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. – Clea | Helpline PH