Batang nakatira sa pedikap, pursigidong mag-aral kaya hinangaan ng marami
Madalas sa mga taong matagumpay sa buhay ang iyong pursigidong mag-aral. Iyong tipong hindi nagtitinag kahit paman sa kawalan. Kagaya na lamang ito ng isang bata na nakatira sa isang pedikap na hinangaan sa social media.
Hinangaan ng netizens ang isang 5 anyos na batang babae na nakuhanan ng larawan. Ang naturang bata ay matiyagang nag-aaral sa ilalim ng puno. Siya ay si May Bayagas, 5 taong gulang at nakatira lang siya sa isang pedikab kasama ang pamilya. Pangangalakal ng basura ang hanapbuhay ng kanyang mga magulang.
Masipag at pursigidong mag-aral si May kahit paman sa kalagayan nila. Sa nakikitang ninyong larawan ay masipag na sinasagutan ng bata ang kanyang modules. Hindi naging hadlang sa kanya ang kanilang sitwasyon.
Tinutulungan din nag kanyang nanay si May sa pagsasagot sa kanyang modules. Maraming netizen ang natuwa at humanga sa pagiging pursigidong mag-aral ni May. Marami kasi ngayon sa ating mga kabataan ang hindi sineseryoso ang pag-aaral. Sa naipakitang ito ni May ay magiging inspirasyon ito sa ibang bata na mag-aral ng mabuti.
Dahil sa marami ang natuwa kay May ay marami ang nagpa-abot ng tulong kay May at sa pamilya nito. Sa murang edad ng bata ay nakitaan na ito ng kakaibang sinag ng tagumpay. Ito ang dapat huwaran ng ibang kabataan. Dapat palaging isaisip na hindi hadlang ang kalagayan sa buhay upang makapagtapos.
Ang kasipagan ni May ay magsisilbing halimbawa para sa ibang mga batang nangangarap. Dagdag na siguro din ang suportang bigay ng pamilya ni May kung kaya ganyan na din ang kanyang pursige.
Mahirap man ang buhay, hindi ito alintana kung may pangarap ang isang tao. Sa murag edad ni May ay naka tatak na sa kanyang isipan ang mag-aral ng maayos. Walang imposible basta ma tiyaga lamang ang isang tao. Ngayon pa lang ay makikitaan na natin ng konting sinag ang batang ito. – Clea | Helpline PH