Ganito na ba kalala ang ugali ng makabagong kabataan?
Ano ba ang mga kaugalian ng makabagong kabataan ang tumatak sa inyong isipan? Positibo ba o negatibo ang mga kaugaliang ito?
Viral ngayon sa social media ang deleted post tungkol sa isang GC ng mga mag-aaral. Lantaran kasi nilang pinapahiya ang kanilang guro sa GC. Napaka pangit ng mga salitang ginamit nila kahit pa kasali sa GC nila ang kanilang guro. Hindi mo sila makitaan ng respeto kahit konti sa convo nila.
Makikita natin na malaki talaga ang kaibahan ng mga makabagong kabataan natin. Hindi man ako ang guro nila ngunit tagos sa aking puso ang naramdaman ng guro. Ganito na ba kalala ang makabagong kabataan? Ito na ba ang henerasyon na ipinagmamayabang natin?
Talagang nabigo tayo sa ating buong akala. Tila ba ay mas lalong pumanget ang imahe ng makabagong henerasyon. Hindi ko nilalahat dahil may ibang bata pa naman ang talagang mabuti pa rin. Ito ay para sa pangkalahatan ng kabataan ngayon. Tila ba mas lalong humaba ang sungay ng mga kabataan ngayong pandemya.
Ito na ang resulta ng masyadong pag-aalaga ng gobyerno sa mga kabataang ito. Napasobra yata ng pagmamahal ng magulang at ng komunidad sa kanila. Hindi mo na sila makitaan ng disiplina sa sarili. Ibang-iba sa kabataan noong nagdaang dekada.
Sanay maunawaan ng gobyerno ang resulta ng sa sobrang protekta na ginawa nila. Ni kahit magulang hindi na sila makontrol sa kanilang mga ginagawa. Sobrang kulang sa disiplina kaya naman nagagawa nila ang pambabastos na ito sa ibang tao. Pati mga magulang ay masisisi na rin kung bakit ganito ang kinalabasan ng pag-uugali ng mga bata.
Sana maibalik ang dating pagpapataw ng disiplina sa mga bata. Tamang disiplina ang kailangan para maitindihan nilang hindi tama ang kanilang inaasal. Kadalasan sa mga batang ito, malakas lamang sa GC. Malakas ang tahol kapag tago, pero pag totohanin, ewan kung saan pupulutin.
Dapat matutunan ng mga bata kung saan sila lulugar hindi yung nasobrahan. Akala siguro nila ka level nila ang mga guro nila. Dapat din sa mga guro, nagbibigay tayo dapat ng stopping point kung saan pwede lumugar ang mga bata. Dapat may hintuan ang pagiging kaibigan mo sa iyong mag-aaral. – Clea | Helpline PH