Bakit nakaka stress ang IPCRF?

Bakit nakaka stress ang IPCRF?

Kasi kahit anong effort mo:

1. Mababa pa din score mo,

2. Pinapaulit ulit sa iyo,

3. Kahit may plus factor ka wala pa ding epekto,

4. Kahit sundin mo kulay ng folder walang bearing to,

5. Di naman tinitingnan loob nito,

6. Iba iba standard ng nagche check nito,

7. Pili lang ata ang binibigyan ng outstanding,

Sakit sa dibdib. Lahat naman nagtatrabaho, ung iba nga daming load, may advisory pa, may mga committe pa, may extrang trabaho pa sa school pero in the end mababa pa din ang score na nakukuha sa ipcrf na yan.

Buong taon kang nagtrabaho, nagsakripisyo, nagpupuyat kung kailangan, hinahabol ang deadline, sumusunod sa mga nag uutos o nakikiusap, tumutulong sa kapwa mo guro, sa paaralan, kahit nga masama pakiramdam ipapasok mo pa yan, kahit kulang ang budget papasok ka pa din.

Kapag may program tyak ikaw ay maaasahan, kapag may bisita tyak magtutulungan, kahit harangin ng aso o lasing maghome visitation yan, kahit nga sabado o linggo papasok kung kailangan.

May time susugurin ka ng magulang, may time pagagalitan, may time na sunod sunod ang gawain pati sa bahay, pati paggawa ng forms sasabay pa yan.

Tapos, sa ilang pirasong papel ang trabaho mo ay huhusgahan. Bibigyan ka ng puntos base sa mov’s na naibigay, un lang pagbabasihan un lang. At lahat ng ginawa mo, lahat ng naitulong mo, lahat ng sakripisyo mo sa buong taon ay parang walang bearing, parang walang naitulong.

Ang masakit kilala mo kung sino ung nakakuha ng outstanding o di kaya ay mataas na score. Mapapailing kana lang. Wala naman sa papel na yan ung lahat ng naging trabaho at kontribusyon natin sa school at sa bata. Kaya nga masakit isipin na ang score mo ay mababa, pababa ng pababa. To think na ang mga nagchecheck ay napopromote o umaangat pero ang guro nila ay hindi. Ako lang ba ang nakakaramdam nito? Malas naman kung ganon malupit ata sa akin ang tadhana.

Sa huli, ano ba talaga ang nakaka stress, ung ipcrf o ung nagchecheck nito?

#basedonexperience
#opinyonlang
#realidad

Credit: Sir Christopher Zamora