Reaksyon ng mga guro hinggil sa mga report na ibibigay ngayon, ipapasa na bukas

mga report na ibibigay ngayon, ipapasa na bukas

Mga report na ibibigay ngayon, ipapasa na bukas

Siguro naman ay marami ang gurong nakaranas sa mga ganitong sitwasyun. May report na ibibigay tapos agad-agad ang pasahan. Madalas ang nangyayari ay mas lalong nagiging stress ang mga guro dahil dito.

Sa lahat ng pagkakataon, kaming mga guro ay sumusuond sa aming mga nakakataas. Kahit ano man ang mga reports na hingiin nila ay ginagawa namin. Pero, sana ay bibigyan din naman ng palugit ang bawat report na gagawin namin. Madalas kasi ang nangyayari ay mabilisan kaming na pre-pressure.

Ito kasi ang palaging nangyayari sa DepEd. May mga survey o mga reports na dapat ipasa sa division ngunit ang mga guro ang gagawa nito at ipapasa nalang ng district. Wala sanang problema kung ang mga gawain ay ibibigay na malayo pa sa deadline para naman may panahon pa. Hindi naman kasi kami kompyuter na maibibigay lahat sa isang click lang. Kaylangan din namin ng sapat na oras sa pagsasaliksik at pangangalkal ng mga data. Ayaw naming ma pressure sa deadline.

Iba-iba ang paraan kada distrito pero madalas ito ang nangyayari kung may reports. Ang nadidiin kasi ay kaming mga guro dahil kami ang bibigyan ng trabaho. Ito ay karagdagang gawain na naming mga guro. Minsan pa ay tatakutin pa na hindi pirpirmahan ang mga forms kung hindi nakumpleto ang report.

Ang hiling lang naman namin ay sapat na oras. Hindi kami magre-reklamo dahil parte na ito ng aming gawain bilang kawani ng gobyerno. Sana lang ay bigyan ng insaktong oras at huwag naman agad-agad ang pag hingi ng mga final reports. Ang nangyayari tuloy dahil sa pressure ay maraming clerical errors sa mga naiipasa.

Bukal naman sa loob namin na gumawa dahil ito naman ay para sa ikabubuti ng lahat. Malaking ambag sa serbisyo ang gumawa ng walang halong kaba at pag-aalinlangan. – Avril | Helpline PH