Kadalasang dahilan kung bakit nagkakaroon ng “LQ” ang mga guro at mga partners nila
Dahil malapit na ang araw ng mga puso, kakaiba din ang ating usapin na pagsasaluhan ngayon.
Alam naman nating sa lahat ng propesyun, ang guro lang ang matatawag natin na “all around”. Ito ay dahil halos saklaw ng pagtuturo halos lahat ng bagay-bagay na dapat mautunan ng lahat. Ito din ang dahilan kung bakit nagpupursige ang mga guro sa kanilang trabaho.
Minsan, hindi maiiwasang sa dami ng trabaho ng guro, medyo nagtatampo na din ang mga partners nila. Dito nabubuo ang “love quarrel o LQ” kung tinatawag ng nakararami. Pag-uusapan natin ngayon kung bakit naakakaroon ng LQ sa pagitan ng guro at ng partner niya:
1. Palaging nasa iskul si teacher
Sa iskul sa umaga, sa tanghali at minsan ginagabi na umuwi kapag may mga dapat tapusin. Ito ay hindi na bago dahil kadalasan sa mga guro ganito ang gawain sa buong taon.
2. Palaging nakatutok sa pag tse-tsek ng mga papel si teacher
Kung hindi man nag tse-tsek, gumagawa ng lesson plan o lesson activities para sa klase. Kung hindi naman ay gumagawa ay nagkokompyut ng mga grado. Nagtatampo na si mister minsan.
3. Nagagamit ni teacher ang budget para sa konsumo para sa kanyang room
Imbis na pambili ng konsumo, napupunta ang pera sa pag papagawa ng kanyang klasrum.
4. Inu-una pa ni teacher ang trabaho niya kahit sabado/linggo
Kahit Sabado man yan o Linggo, kapag ang paaralan ang nangangailangan ng oras ay doon si teacher. Walang magagawa si mister sa mga ganitong sitwasyon. Kung minsan, tutulungan nlang ni mister para makauwi ng maaga si teacher.
5. Pagod na si teacher pagka uwi ng bahay kaya wala ng time sa lambingan
Dahil pagod na sa trabaho sa araw, wala ng oras sa lambingan si teacher at tulog agad. Dito na nagtatampo at nagagalit ang mga kabiyak.
6. Malayo ang assignment area ni teacher kaya nagseselos ang asawa/partner
Dahilan din ng selos ang layo ng assignment area ni teacher. Kapag malayo ito, mas madalas ang away at LQ.
Kahit ano man ang dahilan, nasa tao pa rin talaga kung paano niya gampanan ang tungkulin ng balanse. Kung guro ka at nababasa mo ito ngayun, siguro panahon ng ipagpaliban ang mga gawain sa paaralan. Ang para sa paaralan ay para sa paaralan lang. Kung oras na sa pamilya, ibigay mo ito sa pamilya mo. Kung kailangan mo din talagang mag sakripisyo kahit kaunting oras, ipaitindi mo. Dapat may pag-uusap kayo ng kabiyak mo sa buhay upang mas maintindihan niya at matulungan ka na rin. Lagi mong tandaan na ang dahilan kung bakit ka kumakayod ay para sa pamilya. – Clea | Helpline PH