Bakit dapat mag jowa si teacher
“No man is an island.”
Ika nga ng kasabihang ito, walang tao ang namumuhay ng mag-isa. Kahit ang mga ibon sa himpapawid man ay may pares.
Ang mga guro natin sa kasalukuyan ay ibang iba na ang pananaw sa buhay dahil na rin sa globalisasyun. Marami sa kanila ang medyo matagal nakakahanap ng mga pares sa buhay dahil sila ay puro trabaho.
Heto ngayon at pag-uusapan natin ang mga rason kung bakit dapat mag jowa ang mga guro:
1. Para may inspirasyon sa buhay at sa trabaho.
Halos lahat ng may jowa na mga teacher ay pawang inspirado sa buhay at sa trabaho. Mas ganado kasi tayong magtrabaho kapag tayo ay nagmamahal.
2. Para palaging “blooming”.
Palaging maganda at gwapo ang mga guro na may mga jowa at pawang masaya. Syempre masaya kung ang taong pinili nila ay nakakapagpapasaya sa kanila.
3. May katuwang sa bawat hakbang sa buhay.
Kung may napili ka nang pares, may katuwang ka sa lahat ng hakbang at disisyun mo sa buhay. Kung may mga gawaing medyo mahirap iisipin, nagagawa nitong maging madali.
4. May kasama sa mga gala.
Hindi naman puro trabaho nalang din ang dapat gawin ni teacher. Minsan sa isang buwan dapat din namang gumala gala para maibsan ang stress. Dito na papasok si jowa sa eksena. Mas masarap gumala kapag may kasama ka na mahal mo din.
5. May kausap at tagapayo sa mga problemang dadating.
Sa panahong may mga problema, masarap sa pakiramdam kung may isang taong makikinig. Tagabigay ng payo at inspirasyon sa lahat ng pagkakataon.
6. May layunin sa hinaharap.
Kung may mga disisyun na mahirap, may kasama ka sa pabuo nito. Kadalasan sa atin kung may pares na ay siya na ang pakakasalan sa pang habang-buhay. May layunin ang buhay natin at kahit sa hinaharap ay may kasangga pa din.
May ibang mga guro din naman ang pipiliin talaga ang maging “single” buong buhay. Ito ay kanilang bokasyon din. Tandaan natin, ang buhay ay makulay at sa bawat galaw natin mas masaya kung may kasama. Sa mga guro diyan, isip isip na kayo dahil ang oras ay hindi na bumabalik. – Clea | Helpline PH