Bagay na hindi dapat mawala sa loob ng bag ni teacher
Nakakatuwang isipin na ang mga guro ay naturingang boyscout/girslcout. Ito ay dahil kahit saang sulok mapunta ang mga guro ay lagi itong handa sa lahat ng pagkakataon. Kaakibat ng pagiging handa nila ang ang mga bagay na kanilang dala-dala.
Narito at pag-uusapan natin ngayon ang sampung bagay na hindi dapat mawala sa bag ng isang guro.
1. Ballpen na iba iba ang kulay
Ang itim na bolpen ay para sa mga formal na transaksyon. Ang pulang bolpen ay para pang tsek sa mga answer sheets ng mga bata. Ang blue naman ay para pang sign ng mga papel na kailangan ng signature. Para sa ibang kulay naman ay pang marka ng mga activities ng mga bata. Kahit saan magpunta may bolpen si teacher na dala.
2. White ink/correction pen/correction tape
Sa panahaong kailangan mong mag bura ay ito ang kasangga mo. Naka gawian na ng mga guro ang maglagay ng ganito sa kanilang mga bag.
3. Meeting Notebook
Kung magpapatawag ng meeting ang principal ay handa na ang meeting notebook sa loob ng bag ni mam. Ito lang naman ang susulatan ng kung anong importanteng imposmasyon.
4. Stapler at staple wires
Sa panahon ngayon na modules ang bida, ang stapler at staple wires ang kaakibat ng mga guro.
5. Sticky Notes
May mga panahong kailangan mo ng papel na susulatan ng konting mga impormasyon. Dito na papasok si sticky notes. Kung kailangan mo ng susulatan ng numero o kahit na anong maikli lamang ay pwede sa sticky notes.
6. Gunting
Baka may mga pagkakataon na kailangan mong gumupit ng kahit na ano.
7. Tape
Kadalasang hinahanap ang tape kung may mga gustong idikit. Ang maliliit na gamit ay ang kadalasang hinahanap kapag may mga di inaasahang ganap.
8. Cellphone
Syempre napaka importante ng cellphone sa buhay ng isang guro. Ito ay hinding hindi pwede mawala sa paningin kaya lagi itong nasa bag.
9. Wallet
Hindi rin pwedeng mawala ang wallet ng isang guro sa bag. Dito nakasalalay ang pambili ng pagkain o pamasahe kung saan pupunta.
10. I.D’s
Sa lahat ng pagkakataon laging dala dala ni teacher ang kanyang mga I.D dahil palagi itong nagagamit. Kung may mga transaksyon ay dali daling nagagamit ang mga I.D para ma kumpleto ito.
Kahit sinong guro ang tatanungin ninyo ay pawang ito din ang laman ng kanilang mga bag. Saan man mapunta ay laging may bitbit na sandata ang mga guro. – Clea | Helpline PH