“Teacher ka lang”: Ang pinakamasakit na salitang naririnig ng mga guro.

teacher ka lang

“Teacher ka lang”: Ang pinakamasakit na salitang naririnig ng mga guro.

teacher ka lang
teacher ka lang

Namulat tayong mga Pinoy na may pag-galang at respeto sa lahat ng nakakatanda sa atin o kahit sino mang tao. Ito ay itinuturo sa atin sa ating mga paaralan noong kinder at elementarya pa lamang tayo at ang nagpatibay sa pag tuturo nito ay ang ating mga ulirang guro na walang humpay sa panga-ngaral sa atin kung kaya’t nang tayo ay lumaki ay nadadala natin ang kanilang mga aral. Ang ating mga guro ang ating pangalawang magulang at sila ang mas nakakasama natin nang mas mahaba kung kaya ay malaki ang respeto natin sa ating mga guro dahil sila ay walang sawang gumagabay sa atin patungo sa daang  matuwid. Ito ay noong panahon nga mga batang 90’s pababa.

Ang bagong henerasyon ngayun ay medyo kakaiba dahil na rin siguro sa mga pagbabagong naganap sa sistema ng edukasyon natin sa kasalukuyan. Napapansin kong maraming mga kabataan ngayun ang hindi na maibibigay ang kanilang buong pag-galang at respeto sa kanilang mga guro, bagkus ay gumagawa sila ng mga bagay bagay na nakaka perwesyo sa mga guro nila. Dagdagan pa ng mga konsintidor na magulang kung saan nakakadagdag sa problema.Pero kahit paman pasaway ang ibang mga studyante namin ay natitiis namin ang lahat at hindi pa rin kami humihinto sa pagbibigay karunungan at gabay sa kanila hanggang sa sila ay magtapos. Kahit paman ay  pasaway, may natututunan din naman ang aming mga studyante at ma raramdaman pa din namin ang respeto na kanilang ininibigay sa amin.

Hindi ko man naranasan na minaliit ng ibang tao, ang artikulo kong ito ngayun ay tungkol sa ibang taong “maliit lang” ang pagkaka tingin sa aming mga guro. Ang pinakamasakit na salitang naririnig namin ay “Teacher Ka Lang!”.

Hindi ko to naranasan sa aking mga studyante o kahit sa ibang tao pero meron talagang mga taong sadyang wlang magawa at mapanghusga sa propesyun naming mga guro kung kaya’t ang tingin nila sa amin ay napakababa. Sa social media ngayon ay maraming tao ang medyo sakit na sakit sa propesyun namin at panay ang bash nila sa aming mga guro.Masakit marinig ang salitang “teacher ka lang” lalo na pag mismong sa estudyante mo maririnig ang mga salitang ito, mabuti nalang ay sa ibang tao nang galing. Kung ayaw nyo sa aming mga guro, di nyo kailangang mantsahan ang aming propesyun. Pantay pantay tayong lahat at siguro naman deserve namin ang respeto. Hindi kami nag-aral ng apat na taon sa kolehiyo at may pandagdag pa na masteral units kung lalait laitin nyo lang kami.

Okay lang sa aming hindi mapansin ang aming mga paghihirap basta hindi lang din sana kami pakikialaman. Noong mga panahong kaming mga guro ang dehado sa trabaho, wla kayong narinig sa amin na nag rereklamo kami kahit pa buhay naming  ang taya minsan. Pero ngayong panahun ng pandemya at meron kaming sweldong tinatanggap, marami ang galit sa amin dahil daw wla kaming ginagawa? Hindi nyo lang alam ang aming pag-hahandang ginagawa ngayon.Hindi namin kasalanan ang pandemyang ito. Pati kami ay pwedeng mahawaan sa virus kung kaya’t tayong lahat ay patas lang. Sana naman sa mga taong walang magawa at panay ang bash sa aming mga guro, manahimik nalang kayo at magdasal.

Huwag nyo na sanang dagdagan ang problema natin  ngayun. “Teacher ka lang!” oo nga teacher lang kami, pero dahil sa amin ikaw naging ikaw kaya mag hunus dili ka bago mo kami maliitin. – Avril | Helpline PH