Mga bagay na kadalasang nami-misplace ni teacher
Sa dami ng trabaho ng isang guro ay tila ba lahat ng kanyang ginagampanan ay matatawag na “routine” araw araw. Kadalasan ang trabaho sa paaralan ay nadadala pa sa tahanan at doon tinatapos. Walang oras ang nasasayang sapagkat ito ay nakalaan sa mga mas importanteng bagay.
May mga bagay-bagay ding kadalasang na mi-misplace ni teacher. Ito marahil ay bunga ng pagnanais niyang magampanan ang kanyang tungkulin sa paaralan.
Pag-uusapan natin ngayon ang mga bagay na kadalasang na mi-misplace ni teacher:
1. Ballpen
Nakakatawa ngunit ito talaga ang kadalasang na mi-misplace ng mga guro. Kapag guro ka ay expekted na may dala dala kang bolpen kahit saan. Minsa ito din ang unang hinahanap nila kahit nandiyan lang sa bulsa nila.
2. Class Record
Minsan ay na isusuksok ng guro ang kanyang class record na manipis sa kanyang mga libro. Ito ang dahilan kung bakit pinagha-hanap niya ito.
3. Attendance Sheet
Kagaya ng class record, ang attendance sheet ay manipis at pwedeng maisuksuk sa libro.
4. Lesson Log Folder/Lesson Plan
May mga pagkakataon na nalilimutan ni teacher kung saan niya ikinubli ang ito. Minsan ay naipasa lang pala sa kanyang head teacher para ma chek. Hindi pala nawawala pero panay ang hanap ni teacher dahil importante ito.
5. Certificates
Importanteng papel ang certificates ngunit madalas na mi-misplace ito ng mga guro. Sa dami ba naman ng mga papel na dapat ikubli ay paniguradong malagay sa maling lugar talaga.
6. Memorandum
Tuwing may mga meetings ay binibigyan ng kopya bawat guro. Minsan sa dami ng nasa isip ni ma’am ay na mi-misplace niya ito. Kalaunan hinahanap na naman niya kung saang sulok nailagay.
7. Libro
May mga pagkakataon kung saan dala dala ni teacher ang kanyang libro at biglang nawala ito. Minsan kasi pumupunta si ma’am sa kabilang classroom at doon niya nai-iwan ito. Minsan naman ipinapahiram niya sa kapwa guro at nalilimutan nalang.
Ang mga nabanggit ay iilan lamang sa mga bagay bagay na nami-misplace ng isang teacher. Hindi talaga maiwasan ang mga pangyayaring ito bunga na din sa bigat ng trabaho nila. Ang importante ay hindi talaga nawala ang mga bagay, at na misplace lang. Sa mga susunod na araw ay pwede pa din namang mahanap basta magaling lang mag-trace si guro. – Clea | Helpline PH