Teacher 1 pa rin kahit retirable na: Mga rason kung bakit marami sa mga public school teachers ang nananatiling teacher 1

Teacher 1 pa rin kahit retirable na

Marami sa ating mga public schools ang mayroon pa ding mga T1 kahit na matatanda na o retirable na. Sa edad nila, dapat Master Teachers o MT na ang kanilang mga status sa ngayon ngunit may mga kadahilanan din silang pinang hahawakan kung kaya ay naiiwan silang T1 kahit sila ay retirable na.

Heto ang ilan sa mga rason/dahilan kung bakit marami ang T1 na retirables sa ating mga paaralan:

1. AYAW NA NILANG BUMAGAY SA TREND NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA KAYA HINDI NA NILA TINA TRABAHO ANG MGA PAPELES NILA

Kadalasan sa mga retirables natin ngayon ay ayaw nang matuto sa mga makabagong teknolohiya kung kaya ay tinatamad na sila sa pag hahanda ng mga papeles nila kung saan gumagamit pa ng kompyuter para matapos. Ayaw nila yung tipong may encoding at paggamit ng kompyuter dahil hindi na nila masyadong pinag kakainteresan ang paggamit ng teknolohiya ngayon.

2. KONTENTO NA SILA SA PAGIGING TEACHER 1 NA NAKASANAYAN NA NILA

Yung iba naman ay nakokontento na sila sa pagiging T1 nila kung kaya wla silang balak na umakyat sa posisyun. Wla na sa kanilang mga utak ang pagiging Master Teacher dahil iniisip nila na malapit na din naman silang mag retiro kung kaya okay lang sa kanila na manatili sa pagiging T1.

3. HINDI NAG MASTERAL DEGREE DAHIL AYON SA KANILA MATANDA NA SILA KAYA IBIGAY NALANG DAW SA MGA BATA PA

Ang iba naman ay hindi na kumuha ng masteral degree kung saan ay kailangan sa pag angat ng posisyun. Kung mapapansin natin ay kadalasan ang mga batang guro ang nag-uunahan sa rurok ng kanilang mga posisyun.

4. YUNG IBA, TINATAMAD NANG PUMUNTA SA DIVISION OFFICE PARA MAG USISA O MAG HANDA NG KANILANG MGA KAUKULANG PAPELES

Ang ibang guro ay tinatamad na talaga dahil na din siguro sa edad at may mga sakit sakit na kung kaya ay gusto na lamang nilang maka retiro kahit ay T1 lang sila. Ayaw na nilang ma pagod sa paghahanda ng mga dokumento na kailangan sa pagtaas ng posisyun.

5. ANG IBA NAMAN DAHIL NGA DATI AY HINDI NAMAN MASYADONG STRIKTO SA MGA PAPELES, MAY MGA IBANG PAPELES SILANG NGAYON LANG NAKITA NA MAY MGA MALI PALA AT DAPAT ISANGGUNI SA NAUUKULAN

Dati kasi ang mga guro ay hindi strikto ang pag hahanda ng mga papeles kompara ngayon na sobrang dami na talaga ang mga kailangan epasa para makuha mo ang posisyong inaasahan mo.

6. MARAMING PERA KAYA DI NA NILA KAYLANGAN UMANGAT SWELDO NILA

Sa pag-angat ng posisyun ng isang guro ay inaasahan din ang pag-angat ng sweldo nya. Ito lang naman talaga ang isa sa mga pinaka rason kung bakit gusto ng tao ang pag-angat dahil kaakibat nito ang pag-angat din ng sahod. Ang ibang guro kasi, kontento na sila sa sahud ng T1 dahil hindi na nila masyadong kaylangan ng pag-angat ng sahod. Kumbaga, siguro natapos na lahat ang obligasyon nila sa mga anak nila kung kaya sila naman ngayon ang binubuhay ng kanilang mga anak.

Ang mga rason na naitampok ko dito ay maaring hindi naman totoo sa iba ngunit kadalasan ay totoo sa halos 90% na mga guro sa Pilipinas. – Clea | Helpline PH