Bakit kadalasan sa mga guro ay mas ninanais na mangutang sa bangko kesa sa tao?
Madalas ay naririnig natin na basta mga guro ay maraming “loan” na iniinda yan. Totoo nga din naman dahil wla naman talagang guro na yumaman lang sa pagtuturo at madalas nga na nagkakautang sila dahil kinukulang pa ang kinikita nila sa pang-araw araw na gastusin sa bahay at pagpapa-aral ng mga anak. Meron din namang mga guro na wlang utang pero siguro sa 5% lang yan sa 100% na populasyon ng mga guro dito sa Pilipinas. Hindi naman ikinakahiya ng mga guro na may utang sila sapagkat ito din naman ang tumutulong sa kanila sa panahon ng kawalan. Kahit na sabihin pa nating may mga interest ang mga bangko ngunit hindi takot sa interes ang mga guro, ang mas nakakatakot ay ang magutom ang pamilya.
Kung utang man lang din ang ating paksa ay tutuklasin na natin ngayon kung bakit kaya na mas nais ng mga guro natin na mangutang sa mga bangko kesa sa tao na kung tutuusin ay meron din naman dyan sa tabi tabi na nagpapa 5-6. Ito ang iba’t ibang dahilan:
1. Mas malaki ang nadadala kung sa bangko mangutang kesa sa tao lang.
Dahil ang mga bangko ay pwedeng mag-offer ng medyo mas malaking amount kumpara sa tao lang. Syempre wla naman sigurong nagpapa 5-6 na pwedeng magpautang ng 300K nang agaran kung kelan mo kaylangang kaylangan ang pera. Sa bangko, 3 business days lang at may pera kana pero syempre depende sa net worth mo kung magkano ang pwede mong dalhin pauwi.
2. Mas kontrolado ang interest na ipinapataw sa bangko kumpara sa tao.
Ang mga bangko kasi any may control sa interest na ipapataw nila kadalasa nasa 6%-7% lang at hindi na mas mataas pa dahil mananagot din sila sa batas kung itataas nila ang interest nila kumpara sa ibang PLIs.
3. Mas maayos ang proseso sa pangungutang sa bangko at legal ang bawat transaksyon dito kaya mas kampante ang mga guro.
Dahil sa legal nga ang mga bangko kung kaya ay meron silang mga requirements na ibibigay sa mga kliyente bago makapag avail ng loan sa kanila.
4. Mas mababa ang interest sa bangko.
Kumpara sa mga nagpapa 5-6, mas mababa lang ang interest sa bangko. Ang mg 5-6 or lending ay kadalasan 10% ang interest nila kaya kung may utang ka dito, pressure na pressure ka sa paghahanap ng ibabayad sa interest at kapital.
5. May “privacy” kapag sa bangko nangutang.
Sa bangko kasi ay ang nakaka alam lang ay ikaw, ang bangko at ang co-maker mo na kasamahan mo rin na guro kaya medyo may privacy ka dahil konti lang ang may alam. Kampante ka din dahil mas pribado ito.
6. Hindi masyadong nakakahiya kung sa bangko mangungutang.
Hindi kagaya kung sa taong nagpa 5-6 kapag di ka nakapag bayad ay diritso ka sa baraggay at kadalasan ay radio de baktas at asahan mo nalang na marami ng makakaalam sa susunod na mga araw.
7. May control ka sa sarili mo kung hanggang saan lang pwede ang pwede mong utangin.
May control ang bangko kung hanggang magkano lang ang pwede mong utangin kaya sure ka na kontrolado din ang amount at kaltas na makikita sa payslip mo. – Clea | Helpline PH