Ulirang guro viral dahil sa kanyang ginawa
Paano ba natin matutukoy ang isang ulirang guro? Ngayong buwan ng Setyembre ay panimula ng pagdiriwang ng National Teacher’s Month. Babalikan naman natin ang mga viral na post ng mga nakaka inspire na takbo ng buhay ng ating mga guro.
Isa na dito ang viral na kwento ni Ma’am Clariz Jane Lasala. Siya ay mula sa Saint Joseph Institute of Technology, Butuan City. Sa facebook post ni ma’am, nagpaalam daw sa kanya ang isa niyang estudyante na liliban sana sa klase. Hindi rin daw ito makakasabay sa itinakdang pagsusulit ng guro. Ang dahilan ay dahil wala daw siyang mapag-iiwanan sa kanyang anak. Wala daw siyang makita na maaaring mag-alaga sa bata.
“Ma’am? Pwede ba akong mag-excuse sa quiz ngayong araw? Wala kasi pong magbabantay sa aking baby,” paghingi ng permiso ng estudyante.
Siguro ay naisip kaagad ng guro na isang single parent ang kanyang estudyante. Ang susunod niyang hakbang ay nakakatuwa ng puso.
Sa halip na payagan ang kanyang estudyante, kakaiba ang kanyang alok. Hindi pinaliban ni ma’am sa klase ang kanyang estudyante. Nag boluntaryo si ma’am na siya ang mag-aalaga sa sanggol habang ginagawa ang pasulit.
“Take the quiz and I’ll take care of your baby,” sabi niya sa kanyang post.
“This experience is from above to help me become a person for and with others and I count this as a blessing. I am blessed and truly full,”.
Talaga namang ulirang guro si ma’am Lasala. Magandang ehemplo ang kanyang ipinakita sa kanyang mga mag-aaral. Ito ay nangyari noong 2018 ngunit patuloy pa ring naibabahagi ang kwento. Viral pa rin at napag-uusapan sa social media hanggang sa kasalukuyan.
Ito ay isa lamang sa napakaraming kwento ng kabayanihan ng ating mga guro. Ulirang guro kung maitututring ang tawag natin sa bawat guro natin. Dakila ang pagiging guro at dito natin makikita ang tunay na pagmamalasakit nila. – Clea | Helpline PH