Guro nanaig ang pagiging ina
Viral ngayon sa social media ang isang guro na nanaig ang pagiging ina. Ito ay matapos nilang (kasama niyang guro) tulungan ang mag-inang namamalimos. Ayon sa kanyang post, nakita nila sa labas ng 7-11 store sa kanilang lugar ang mag-ina at awang-awa sila dito. Napag-isipan nilang bilhan ng pagkain ang ina ng bata at diaper na din para sa baby. Dito na nanaig ang pagiging ina ng isa sa mga guro at dahil nakita niyang gutom na ang bata, pina dede niya ito. Siguro, may baby din si Ma’am kung kaya ay ganun nalang ang awa niya sa bata at di siya nag-atubiling padedehen ito. Ayon sa guro, iyon ang pinakamahusay na mai-offer niya para sa bata. (tingnan ang original post sa ibaba)
Nakatutuwa lang isipin na sa panahon ngayon, ang mga guro natin ay hindi pabaya. Gaya nalang ni Ma’am sa viral na post, kung saan hindi niya pinabayaan ang bata. Ang post na ito ng isang guro na nanaig ang pagiging ina ay isang magandang huwaran. Dahil nakita niya ang pangangailangan ng kanyang kapwa, ginawa niya ang naaayon. Napakagandang isipin na ang mga ganitong klaseng guro ang kailangan natin ngayon. Kung magbabalik na ang klase at wala ng banta sa Covid, alam nating nasa mabuting mga kamay ang ating mga anak.
Bigyang pugay at pasalamatan natin ang mga guro na handang tumulong sa lahat ng oras. Hindi lamang sa loob ng kanilang mga paaralan kundi kahit na din sa pamayanan. Ehemplong maituturing sa lahat. Ang ating mga guro ay ina rin kaya naman ramdam nila ang pakiramdam ng ibang ina. Salamat ma’am at marami ang naantig sa inyong mabuting ginawa. – Clea | Helpline PH