Pursigidong estudyante, hinimatay sa pagod ng umakyat sa bundok upang mangalap ng signal
Trending ngayon sa social media ang isang estudyanteng hinimatay sa pagod. Ayon kay Genevie Gregorio, gusto ng kanyang pamangkin na makapasok ng scholarhip. Magpapa schedule sana ito ng exam sa Aklan State University kaya nangalap sila ng signal. Ang estudyanteng ito mula sa Madlang, Aklan ay pursigidong mkapasok ng kolehiyo.
Dahil sa pagod at init sa paglalakad ay nawalan ito ng malay. Isang oras na kasi ang nilakad nila ngnuit hindi pa nila naabot ang lugar sa bundok na may signal. Kahit hinimatay sa pagod ay hindi naging hadlang ito sa pangarap ng estudyante. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik din naman ang kanyang malay.
Ang kwentong ito ay kapupulutan ng aral lalao na sa panahon natin ngayon ng pandemya. Nahihirapan halos lahat ng tao ngayon dahil sa Covid. Napipilitan ang mga estudyanteng mag modular kahit paman mahirap dahil sa mga kadahilanan. May mga batang may kaya at nakatira sa mga lugar na may signal, pabor sa kanila. Sa kabilang banda, marami din ang mga estudyanteng nakatira sa mga lugar na walang signal. Ito ang mas nagpapahirap sa sitwasyon nila.
Ang estudyantreng hinimatay sa pagod ay isa lamang sa napakaraming estudyanteng may pangarap. Sila ang tipo ng mga estudyanteng dapat bigyan ng suporta ng gobyerno. Hindi hadlang sa kanila ang kahirapan at susu-ungin lahat makamit lamang ang pangarap.
Sa sitwasyong ito, lubos na kinagagalak naming mga guro na makita ang sipag ng mga estudyante. Totoong mahirap tayo ngunit hindi handlang ang kahirapan upang magtagumpay. Depende talaga sa tao ang tagumpay. May iba din naman kasi na meron na sa lahat lahat ngunit walang ginawa.
Saludo kaming lahat sa pag pupursige ng batang ito. Paniguradong makakamit din niya ang tagumpaty na ina-asam niya sa buhay sa mga darating na araw. Ito ang dapat huwaran ng mga estudyante natin sa kasalukuyan. Ito ang tunay na daan para sa tagumpay. – Clea | Helpline PH