Estudyanteng Nabaliw raw dahil sa Module: Reaksyon ng isang Guro

Estudyanteng Nabaliw raw dahil sa Module: Reaksyon ng isang Guro

May estudyanteng nabaliw raw dahil sa module. Ito ay nasagip namin sa post sa facebook ng kapatid ng naturang estudyante na si Regine Robles.

Narito ang kabuuang post ni Regine Robles sa kanyang Facebook account:

“Magandang tanghali po. Humihingi po kami ng tulong para sa kapatid ko na may sakit, Humihingi kami ng tulong para mapa psychiatrist ang kapatid ko na si Rochelle Marchan Robles kasi po nananakit na sya. Sana po matulungan nyo kami na maparating to sa kanila sir Raffy Tulfo okaya sa WishKolang Wala po kaming pera pang pagamot nya. Please po pakitulungan kami sa pamamagitan ng pag tag sa kanila. 😥 Naaawa na po kami sa kanya. Maraming salamat po. Sana ay matulungan natin si Rochelle Marchan Robles siya po ay 16years old palang para maranasan ang ganitong sitwasyon. Tinali namin sya kasi nag wawala na sya, dati hindi sya nag wawala, Habang tumatagal lumalala, Bago sya mag kaganyan, Lagi syang puyat sa kakamodule nya, hindi nakakatulog kakaisip sa module. Kami po ay taga Tanay rizal, at kasalukuyan po kaming nandito sa tito ko, kasi po hindi namin kaya mapiit kapatid ko, pag nag wawala, Tatlo lang po kami ako at ang mama ko tsaka kapatid ko, At ang papa ko po ay matagal na kaming iniwan, Baka po may kilala kayong RENATO DACUNO ROBLES umuwi po ng vizaya papa ko 16years na po siya ng umalis, Wala na po kaming balita sa papa ko. Maraming salamat po sa inyo. Pakishare na din po. Salamat po.
#raffytulfoinaction
#raffytulfoinactionfacebookpage
#Wishkolang
Tanay, Rizal
Contact number; 09516278982 yan din po gcash number ko. Sa mga gusto pong tumulong. Maraming salamat po.”

Marami ang netizens na naantig sa post na ito at sari-sari din ang komento at opinyon ng mga tao. Ang estudyanteng nabaliw raw dahil sa module ay nangangailangn ng agarang gamutan. Maraming netizens ang nagpakita ng mga negatibong komento patungkol sa modules. Sinisisi nila sa modules ang nangyari sa estudyante at minumura pa ang mga modules. May iba namang iba ang nakitang dahilan sa nangyaring ito. Ang estudyanteng nabaliw raw dahil sa module ay kailangan magamot agad. Baka kasi may pag-asa pang gumaling ito.

Ito naman ang aking reaksyon at komento bilang isang guro ng DepEd. Siguro ay dapat nating i-balanse lahat at huwag naman nating isisi ang nangyari sa bata sa module. Kung bakit nasasabi kung hindi dapat isisi ay dahil sa mga kadahilanang ito:

  • Iba-iba kasi ang level ng pag-iisip ng mga estudyante natin. May ibang fast-learner at meron namang katamtaman lang. Yung iba, madali lang sa kanila ang tapusin ang modules nila, ang iba naman ay nahihirapan. Dito na papasok ang patnubay ng mga magulang sa pagkakataong ito.
  • Lahat ng module ngayon ay ginawang madali nalang para sa mga mag-aaral. Kumbaga ay dumaan na ito sa pagsisiyasat bago ibigay sa mga mag-aaral. Sinigurado din ng DepEd na ang mga module ay kayang sagutan lamang ng mga estudyante.
  • Hindi naman pinipilit ng mga guro na talagang mapunan ng sagot ang lahat ng nasa module. Kung hanggang saan kaya ng bata, doon lang at hindi na ipipilit pa. Ang layunin ng module ay ang maintindihan ito ng estudyante.
  • May sapat na oras ang mga estudyante sa pag-sagot sa mga katanungan sa kanilang modules. Time managem,ent ang kailangan upang masagutan ito sa tamang oras. Kumbaga pwedeng hati-hatiin ng isang mag-aaral ang kanyang oras sa isang araw. Hindi naman talaga kailangan isang buong araw sagutan ang lahat ng module. Pwede namang dalawa o tatlong subject kada araw. May panahon pa silang maglibang pagkatapos.
  • Base sa aking karanasan, natuklasan kong pabaya din ang ibang mag-aaral. Hindi ko nilalahat dahil iba-iba naman ang bawat mag-aaral. Ito ay base sa pangkalahatang nakikita ko sa nangyayare sa aming mga modules. Kadalasan sa mga mag-aaral, hindi agad sinasagutan ang modules nila. Kung saan isang araw nalang at ibabalik na ng modules, ay saka pa sila kikilos. Mas marami sa kanila ang abala sa cellphone, ML, social media at kung ano-ano pa.
  • May iba ngang mag-aaral ang nangongopya na lamang ng mga sagot sa kanilang mga ka-klase. May GC sila at doon nila ipapasa ang mga sagot para makopya ng iba.

Hindi natin pwedeng isisi sa module ang nangyare sa mag-aaral. May posibilidad na may ibang problerma ang mag-aaral kung kaya naging ganun siya. Posibleng may pinagdadaanang hirap at ito ang dahilan sa unti unting pagbabago nito. O di naman kaya, kulang sa nutrisyon kaya nagkasakit at humantong sa ganyan. Maraming posibilidad na nangyayare.

Ang payo ko sa lahat ng mga magulang ay dapat masinsinang napapatnubayan natin ang mga bata. Wala namang gustong magka pandemya tayo ngayun, kaya sariling sikap nalang tayo. Tamang gabay, tamang nutrisyon ang kailangan ng ating mga mag-aaral. Limitahan din ang pag gamit ng mga gadget at social media. Maging alerto tayo sa mga ginagawa ng ating mga bagets ngayon. – Clea | Helpline PH