Paano malalaman ang nakalimutang PhilHealth ID number

Paano malalaman ang nakalimutang PhilHealth ID number

Nagbigay ng paraan ang Philippine Health Insurance Corporation sa mga nakalimot ng kanilang PhilHealth ID number (PIN) o sa mga wala pang PIN.

Basahin ang buong detalye sa ibaba:

Alamin and iyong PhilHealth ID number (PIN)

Nakalimutan ang PIN?

(Dating rehistrado)

Makipag-ugnayan sa aming Corporate Action Center sa pamamagitan ng mga sumusunod na touch points:

  • Hotline: (02) 8441-7441 (Office hours, weekdays)
  • Callback Channel: 0921-630-0009

I-text lamang and “PHIC callback PIN VERIF <space> Mobile Number or Metro Manila Landline” <dash> Detalye ng Concern” at ipadala sa 0921-630-0009 at kami po ay tatawag sa inyo tuwing office hours, weekdays. (Ang hindi masasagot na request dahil sa volume ay mag-eexpire matapas and 48 oras)

Subject: PIN VERIF<space> Name

O Bumisita sa pinakamalapit na Local Health Insurance Officer of PhilHealth Express

Wala pang PIN?

(Kailangan magrehistro)

Sundin lamang ang tatlong simpleng steps at kami na ang bahala sa inyong registration:

1. Mag-fill-out ng PhilHealth Member Registration Form o PMRF (maaaring madownload sa https://www.philhealth.gov.ph/downloads/membership/pmrf_012020.pdf).

2. Ipadala ang PMRF (naka-pdf  o jpeg format) sa [email protected] kalakip and scanned copy o litrato ng anumang valid ID

Subject: Register<space>Name<space>City/Provice, Region

3. Hintayin and inyong PIN sa email address na inyong inilagay sa PMRF.

O bumisita sa pinakamalapit na Local Health Insurance Office o PhilHealth Express.

Source: PhilHealth

If you’re looking for FREE downloadable teaching materials and resources such as workbooks, worksheets, forms, guides, and modules, you can download it below:

[table id=1 /]