Tradisyunal na ugali ng mga guro na hindi na makikita sa kasalukuyan
Iba-iba ang ugali ng mga guro sa pagkikipag sapalaran nila sa kanilang propesyun. Simula’t sapul, bahagi na ng kasaysayan ng edukasyon ang ugali ng mga guro. Kasama na rin dito ang pakikitungo nila sa kanilang mga estudyante. Ganon pa man, may mga tradisyunal na ugali ang mga guro na hindi na natin makikita sa kasalukuyan. Heto ang iilan sa mga ugaling ito:
1. Pagiging strikta/strikto sa klase.
Kadalasan sa mga guro noong araw ay pawang strikto/strikta sa klase. Talagang kinatatakutan sila ng mga estudyante nila kaya naman mas marami ang disiplinado. Ngayon, hindi na pwede sa mga guro ang ganitong pag-uugali dahil kakaiba na din ang timpla ng mga bata. Hindi na uubra sa mga mag-aaral ang ka striktahan mo bagkus ay lalo pa silang di susunod sa iyo.
2. Pagbibigay ng parusa sa mga mag-aaral.
Noong araw ay mabisang paraan sa pag didisiplina ang pagbibigay ng parusa sa mga bata. Kung may kamalian man, tiyak may matinding parusang nag-aabang galing sa guro. Kahit ni isang reklamo sa mga magulang ay wala kang maririnig. Ngayong araw, tiyak pag pi-pyestahan ka sa social media kung gagawin mo ito sa iyong estudyante. Isang galaw mo lang sa buhok ng estudyante mo at tiyak may kasong mag-aabang sa yo.
3. Pagiging “sirang plaka” sa klase.
Kung noon ay epektibo sa mga guro ang pabalik balik ang sermon, ngayon ay kakaiba na. Noong araw ay hanggang pakikinig lamang ang pwedeng gawin ng mga mag-aaral sa sermon ni ma’am. Ngayon, tiyak ang guro na ang kawawa kung palaging nag se-sermon dahil wala nang mga bata ang makikinig.
4. Pagbagsak ng mga mag-aaral.
Noong araw, takot ang mga mag-aaral sa mga guro dahil takot din silang bumagsak. Konti lang noon ang mga batang hindi talaga gumagawa ng kanilang mga gawain. Ngayon, pahirapan ang mga guro sa pag-tiyak na makakapasa talaga ang mag-aaral. Hangga’t hindi pa humihinto sa pag-aaral kahit palaging absent ay dapat pa ding ipasa.
5. Paglikom nag pero/ pagsingil ng halaga sa mga maliliit na gawain sa paaralan.
Dati ay hindi alintana ng mga magulang kung may mga bayarin sa paaralan dahil para ito sa mga anak nila. Ngayon, bawal na bawal na ito sa mga paaralan. Bawal nang mangolekta ang mga guro.
Naabutan niyo pa ba ang mga ugaling ito ng mga guro natin noong mga dekado 80 at 90? Ako mismo ay produkto ng mgas gurong may ugaling nasa itaas. Kahit paman ganon ang ugali nila noon ay masasabi kong maganda naman ang mga produkto nila. Kumpara ngayon na kakaiba na ang panahon dahil sa modernisasyon. Magkaiba man ang panahon at pag-uugali, ang mga guro ay bayaning maituturing. – Avril | Helpline PH