Pahinga ang Kaylangan ng mga Guro at Hindi INSET
Bago ang pandemya, naging tradisyon na ng DepEd ang magsagawa ng INSET sa kanilang mga guro. Nakasanayang gawin ang mga seminars at iba pang gawain upang mas mahubog pa ang mga guro.
Ngayong panahon ng pandemya gusto sana ng mga guro na hindi na magkakaroon ng INSET. Narito ang mga rason kung bakit pahinga ang kaylangan ng mga guro at hindi ang INSET.
1. Kulang pa ang oras sa pag tse-tsek ng ng mga papel na sandamakmak.
Alam nyo bang sa dami ng papel na dapat ma tsek ng mga guro ay nalulula na sila? Hindi biro ang mga tsek paisa-isa ng mga papel.
2. Mas magiging epektibo ang mga guro kung may pahinga sila sa mga gawain sa skwelahan.
Mas magiging epektibo sa pagta-trabaho ang tao kung sakto ang pahinga nito. Sa kaso ng mga guro, pahinga sa isip at galaw ang kaylangan nila.
3. Kahit na nasa bahay ay gumagawa pa rin naman ng mga activities at modules ang mga guro.
Sana ay alalahanin din nila na kahit nasa bahay ang mga guro ay hindi ito humihinto sa mga gawain sa skwelahan. Kahit pa nga Sabado at Linggo ay inilalaan nila minsan.
4. Ilaan nalang sana ang oras at araw sa pag tsek at pag re-record ng mga iskor ng mga mag-aaral.
Pagkatapos ma tsek ng mga papel ang kaylangan naman nitong e-rekord paisa-isa.
5. Bigyan sana ng oras ang mga guro na ipahinga ang kanilang isip at katawan kahit ilang araw lang.
Sana naman ay maisip nila na hindi lang ang mga bata ang kaylangan magpahinga. Masarap isipin na ang break na ito ay ibibigay para sa mga guro na hindi nag iisip ng mga gawain
Totoong mas dagdag sa karunungn ng mga guro ang INSET. Subalit, mas mainam din na bigyan sila ng oras na magpahinga paminsan-minsan. – Avril | Helpline PH