Mga rason kung bakit hindi dapat pumasok sa mga online pyramiding ang mga guro
Trending ngayun sa social media ang iba-ibang klase ng online pyramiding. Madalas na pumapasok sa mga scam na ito ang mga taong may pakay na mapabilis ang pasok ng pera sa kanilang buhay. Bagama’t marami na ang mga balitang negatibo tungkol sa mga ito ay panay pa rin ang iba sa pakikibaka dito.
Marami ang mga guro ngayon ang napapabilang sa mga indibidwal na madalas ma “scam”. Marami kasi sa mga guro ang nagnanais na bumilis ang pera dahil marami silang mga babayran.
Dapat malaman ng mga guro ang mga rason kung bakit hindi dapat pumasok sa mg online pyramiding :
1. Kadalasan sa mga online pyramiding ay talagang SCAM
Humihinge ng pera pero walang produkto. Nangangako ng malaking halaga ng pera pagkatapos ng ilang buwan lang. Dito pa lang ay senyales na para mag hunusdili ka.
2. Mas lalong bibigat ang suliranin mo sa buhay kung papasok ka dito
Mas lalo ka lang magkaka problema pagdating ng araw. Kahit anong gawin mo, hindi kana mag pe-payout at lalong wala kang sagot na maririnig galing sa nag recruit.
3. Magiging adik ka na sa pagsali sa mga online pyramiding
May iba naman na halos bisyo na ang pagsali sa mg ganito. May ibang guro nga na naglo-loan pa para lang maipundar sa pyramiding. Nawawala lang din naman ang pera pagtapos ng ilang buwan.
4. Ubos lahat ng perang naipon mo
Ang iba ay ginagamit pa ang ipon para lang may maibigay sa mga online scam na ito.
5. Marami kang kargo dahil sa mg na recruit mo
Kung marami kang na recruit lalo na kung may pangako kang dumami talaga ang pera ay lagot na. Ikaw talaga ang may kargong magbayad sa mga perang nawala nila.
6. Hindi kana mkakapagtrabaho ng maayos sa kakaisip sa online pyramiding mo
Ang ibang guro ay hindi na nakakapag pokos sa kanilang trabahao dahil panay ang sideline. Sa networking nila nabubuhos ang oras nila. Pagdating ng araw ay sila pa rin ang lugi.
Huwag na tayong magpadala sa mga pangakong hindi naman makatotohanan. “Too good to be true” ika nga ng karamihan ngunit marami pa rin sa ating mga guro ang pumapasok dito. Hindi kana dapat mag-isip, dahil halos lahat ng mga online pyramiding ay nasasarado. Tandaan nating walang madaling pera, ito ay kinikita ng pawis natin. – Clea | Helpline PH