Online kopyahan sa modular learning
Isa sa problema ng mg guro ngayong pandemya ay ang online kopyahan ng mga estudyante. Hindi lamang mga college students ang gumagawa nito. Talamak na rin ito sa mga estudyanteng nasa sekondarya lalo pa at may mga gadget na silang lahat. Kahit nga mga nasa elementarya at marunong ng gumamit ng mga gadgets.
Ito ay realidad na hindi na natin mababago at tuluyan nalang nating tanggapin. Kahit anong warning ang gawin ng mga guro, wala pa rin itong saysay. Hindi naman kasi nakikita ng guro ang kanyang mga mag-aaral. Kadalasan ngayon sa mga mag-aaral ay nagpapasahan ng mga sagot sa mga activities nila.
Online kopyahan ika nga ng marami at alam ng lahat na napakadali lang mangopya sa internet. Maiiwasan pa ba ang online kopyahan? Sa tooto lang, hindi na maiiwasan ito. Talagang kaakibat na ito ng makabagong pamamaraan ng edukasyon ngayon. Kung noon nga ay nangongopya pa rin ang mga mag-aaral kahit may guro, lalo na siguro ngayon.
Nawawala talaga ang saysay ng lahat ng paghihirap ng mga guro dahil sa online kopyahan. Sa kabila nito, talagang nasa estudyante parin ang huling hudyat kung gagawin niya. Diskarte na ng isang mag-aaral kung paano niyang ilagay sa tamang posisyun ang lahat ng alam niya.
Siguro naman ay lahat ng tao ay nakaranas ng mangopya. Yung iba hindi nakapagtapos yung iba ay may narating din naman. Masasabi din nating hindi mo masusukat ang kakayahan ng isang tao kahit pala kopya siya. Tanging panahon lamang ang nakaka-alam sa ating kalalagyan.
Natural lamang na problema ng mga guro ang online kopyahan. Sa huli, ang mag-aaral pa rin ang may hawak ng disisyun niya kung mangongopya nalang ba siya habang buhay.
Iba lamang ng pangalan ngunit isa pa ring “pangongopya” ang kataga dito. Balang araw kung maibabalik na ang dating face to face, magkakasubukan na ng abilidad. – Clea | Helpline PH