Bakit hindi agad nabubuntis ang mga guro pagkatapos ikasal
Marami ngayon sa kababaihan ang nag-aasawa kung kaylan sila ay medyo handa na sa buhay. Sinisigurado nila na may trabaho na sila ng kanyang mapapangasawa.
Kadalasan sa mga propesyunal ngayon ay nag-aasawa sa edad 25 pataas na. Kabilang na dito ang mga guro sa pampubliko at pribadong paaralan. Subalit, may isang parehung problema ang kadalsan sa kanila. Ito ay ang “hirap makabuo” o hirap magbuntis.
Ano-ano nga ba ang mga dahilan o rason kung bakit hindi agad nabubuntis ang mga gurong babae?
1. Stress sa trabaho at sa mga problema sa paaralan.
Ayon sa mga pag-aaral ng mga eksperto, malaki ang epekto ng stress sa infertility ng babae. Dahil madalas busy sa trabaho ang mga guro, ito marahil ang dahilan.
2. Problemang “hormonal” o hormonal imbalance.
Dahil sa stress, nagkaka hormonal imbalance ang isang babae. Ito ang dahilan kung bakit natatagalang makabuo. Pag nagloko daw ang hormones ng isang tao, tiyak marami ang mangyayari at isa na dito sa mga babe ang “infertility”.
3. Nadagdagan ang timbang kaya nahihirapan makabuo.
Kadalasan sa mga guro ay tumataba na kinalaunan. Dahil mataba ang isang babae ay nahihirapan siyang magka-anak. Marami sa mga guro ang tumataba habang tumatagal sa pagtuturo. Ito din ay dahil sa pagkain kumukuha ng lakas ang mga guro habang nasa trabaho. Mabagal na ang metabolismo kaya ito ang nangyayari.
4. Kulang sa tulog at ehersisyo sa kagagawa ng mga reports o lessons.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang dami ng mga paperworks ng mga guro. Minsan inaabot ng madaling araw sa kaka check ng mga papel si titser. Lalo na ngayong pandemya kung saan ang guro ang lahat na gumagawa.
5. Klase ng mga pagkain at istilo ng buhay sa kasalukuyan.
Ibang-iba na ang pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan kompara noong araw. Kung noon ay naglalakad ang mga guro papuntang paaralan, ngayon ay may motosiklo na. Kung noon ay limitado lang ang fast food na nabibili ng mga guro, ngayon may “buy me” na. Isang pindot mo lang sa selpon at may delivery na agad. Kumbaga kulang na sa ehersisyo ang mga tao ngayon. Ito ay isa sa dahilan kung bakit mahirap mabuntis ang mga guro.
6. Malayo ang mister dahil sa trabaho.
Kadalasan sa mga guro ay seaman ang mga mister kaya minsan lng makauwi. Ito din ay dahilan kung bakit matagal nabubuntis ang mga babaeng guro natin.
Sa dami ng mga dahilan at factors, ang nasa itaas ang mabibigat. May ibang guro na nabibiyayaan pa rin naman kahit ilang taon ang hinintay. Sa panahon din kasi natin ngayon, ang istilo ng pamumuhay natin ay may epekto din. – Clea | Helpline PH