Mga paraan na ginagawa ng mga guro sa pampoblikong paaralan upang matiyak na may natutunan ang mga bata ngayong nka distance learning
Mahalaga ang edukasyon sa bawat mag-aaral. Ito ang pinaka dahilan ng sakripisyo ng mga magulang at mga guro sa gitna ng banta ng pandemya. Tuloy pa rin ang mga guro sa pagbibigay ng leksyon sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng modules.
Hindi maiiwasan ang mga pagsubok sa modular learning ngayon. Malayo ang guro sa kanyang mag-aaral at hindi lahat ng magulang ay marunong sa mga leksyon.
Pilit na ginagabayan ng mga guro ang kanilang mga mag-aaral sa paraang kaya nila. Narito ang iba’t ibang paraan na ginagawa ng mga guro upang matiyak na may natututunan ang mga bata.
1. Home Visitation
Ito ay madalas ginagawa ng mga guro lalong lalo na sa mga mag-aaral sa elementarya. Mas kailangan ng mga bata ang “follow-up” ng kanilang mga guro. Marami din kasi sa mga magulang ang medyo mahihirapan sa pagtuturo sa kanilang mga anak. Tinitiyak ng mga guro na naipaliwanag nila ng maayos ang tagubilin sa mga bata at mga magulang.
2. Group Chat
Ito ay madalas sa mga mag-aaral sa hayskul kung saan may mga gadget na ang mga bata. Gumagawa ng group chat ang guro bawat subject at dinadagdag ang mga account ng mga bata. Dito ay mas napapadali ang pag “follow-up” sa mga gawain na medyo may kahirapan. Malaya ding nakakapagtanong ang mga mag-aaral sa mga guro.
3. Video Lesson
Maraming guro din ang gumagawa ng video ng kanilang leksyon kung saan sila ay nakikita. Dito nila pinapahayag ang kanilang paliwananag sa mga leksyon upang mas maintindihan. Mas maigi kasi ito lalo na sa mga mag-aaral na medyo nahihirapan talaga.
4. Output Making
Ito ay ibinibigay upang masiguradong naunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang module. Dito na nasusuri ng guro kung may nakuha bang kaalaman ang bawat mag-aaral.
5. Module Survey
Ibinibigay ng guro ang pormang ito sa mga estudyante upang masuri ang antas ng kaaalaman. Kung may pagkukulang man ay dapat mapunan at kung labis ay dapat ilagay sa katamtaman.
Ito ay iilan lamang sa mga teknik na ginagamit ng mga guro ngayon. Mahirap ang sitwasyon natin ngayon dahil sa banta ng virus. Gayunpaman, hindi ito hadlang sa dapat matutunan ng mga mag-aaral. – Clea | Helpline PH