Gaano ba ka importante ang medalyang matatanggap ng isang mag-aaral?
Gaano ba ka importante ang medalyang matatanggap ng isang mag-aaral? Tayong lahat ay dumaan din sa pagiging isang estudyante. Hindi natin ikakaila na suntok sa buwan ang pagkakaroon ng medalya. Halos lahat ng estudyante ay nagsusumikap upang may ipagmamalaki sila sa kanilang magulang. Kapag ang isang mag-aaral ay nakatuntong sa “honor roll”, malaking responsilibildad ang nag-aabang.
Sa pagtatapos ng taon ng pasukan, inaabangan ng mga mag-aaral ang listahan ng “honors”. Gaano nga ba ka importante ang medalyang matatanggap ng isang mag-aaral?
- Ang medalya ay isang karangalan para sa mga estudyanteng may pangarap sa buhay.
- Nagaganyak ang mga kabataan upang magsikap para mapasaya ang kanilang mga magulang.
- Ang medalya ay simbolo ng tagumpay ng bawat mag-aaral na makakatanggap nito.
- Ang medalya ay isang palatandaan ng pagsisikap at mga pawis na pinagdaanan.
- Ang medalya ay mumunting bagay ngunit malaki ang ambag nito sa hinaharap ng kabataan.
- Sa bawat medalyang natatanggap ng isang mag-aaral, kaagapay ang hindi malilimutang alaala.
- Ito ay mabigat na simbolo ng isang mabuti, matapang at matalinong estudyanteng nangangarap.
Iba-iba man ang kahalagahan ng isang medalya sa bawat mag-aaral, saya pa rin ang dulot nito sa kanila. Importante ang medalyang matatanggap ng isang mag-aaral dahil ito ay simbolo ng tagumpay.
Sa mga mag-aaral na magtatapos ngayong taon, may medalya man o wala, binabati namin kayo. Karangalan na ang magtapos may medalya man o wala buo pa rin ang aming paniniwala sa inyo. Ang totoong medalya ay nasa puso ng bawat isa sa inyong na-ngangarap. Masarap ang may medalya at ang pakiramdam ng makatuntong sa entablado. Ngunit, hindi lahat tayo ay papalaring makatanggap ng pisikal na medalya. Kahit paman, ang totoong medalya ay ang makapagtapos kayo kahit paman sa banta ng pandemya. Patuloy lang ninyong abutin ang inyung mga pangarap at mabuhay kayo! – Clea | Helpline PH