Mga ginagawa ni teacher para makapagpahinga ngayong bakasyon
Maraming mga plano ang mga guro upang makapagpahinga ngayong bakasyon kung bibigyan sila. Ang pangamba kasi nila ay baka hindi sila mabigyan ng bakasyon. Samantala ang mga bata ngayon ay patapos na sa kani-kanilang mga modyuls. Naghihintay na lamang ang mga estudyante sa kanilang bakasyon at pahinga. Sana ganun din ang mga gurong kaylangan din ng pahinga.
Kahit may mga pagbabago mang nagaganap dahil sa pandemya, deserve pa rin ng mga guro ang bakasyon. Ito ang mga gustong gawin ng mga guro upang makapagpahinga ngayong bakasyon. Ito lang din ang tanging paraang alam nila upang makalimutan nila ang stress. Sa panahon kasi ngayon, madaming pagbabagong naganap sa loob lang ng isang taon. Masyadong naapektuhan dito ang mga guro at estudyante. Hindi madali ang naging mabilisang pagbabagong ito. Masyadong nahirapan ang mga guro sa transisyong ito at lalo na din sa mga estudyante at magulang. Bakasyon lang ang tanging makakatulong upang medyo makarelax ang isip at katawan.
Para makapagpahinga ngayong bakasyon, ito kadalasan ang gagawin ng mga guro:
1. Magpunta sa simbahan at punan ang spiritwal na kakulangan sa pamamagitan ng dasal.
2. Matulog ng medyo matagal na walang iniisip na mga gawain sa skwelahan.
3. Mamasyal sa mga nakakarelax na pasyalan.
4. Maligo sa beach kasama ang buong pamilya.
5. Mag food trip sa bahay kasama ang kapamilya.
6. Manood ng Netflix sa bahay dahil wala namang bukas na cinema ngyong pandemya.
7. Makipag bonding sa mga kaibigang matagal din hindi nakita.
8. Maging aktibo sa sports at pagpapa-payat para narin gumanda ang kabuuang kalusugan.
9. Maging plantita” o “plantito” sa sariling bahay.
10. Magpa masahe o magpa facial spa.
Ito ang iilan sa mga gustong gawin ng mga guro natin kung sakali mang sila ay bibigyan din ng bakasyon ngayon. Ang bakasyon ay parte ng buhay ng mga guro mula noon at ito sana ay ibigay parin sa kanila. – Clea | Helpline PH