Klase ng mga Guro Ngayong Virtual INSET
Sinigurado ng DepEd na abala pa rin ang kanilang mga guro kahit pa ngayong pandemya. Para daw malinang pa ang mga kakayahan ng mga guro ay may isang linggong INSET o seminar. Ang seminar na ito ay nakagawian na talaga ng DepEd kahit paman noong wala pang pandemya. Ang kaibahan nga lang ay dapat na gawing online o virtual ngayon ang kanilang INSET. Para na rin ito sa kapakanan ng nakararami at upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Ang mga guro ay madiskarte at kaya ang lahat subalit may mga pagkakataon din na sila ay pagod, naiiip at iba pa. Katulad ng lahat, natural lang ito dahil ang ga guro ay tao din katulad nating lahat. Medyo nakakatuwa ang ating paksa ngayon. Pag-uusapan natin ang iba’t-ibang klase ng mga guro ngayong virtual INSET.
1. The Early Bird
Always number one sa attendance kahit sa pag sign-in sa Google Meet ay number one din.
2. The Buffering
Yung tipong nag-freeze sa screen ang mukha dahil sa hina ng internet connection.
3. The Inquirer
Sila naman yung tanong ng tanong sa IT kung saan ang susunod na pipindutin. Minsan nasa harapan lng nila ang dapat e-click pero hindi nila mahagilap.
4. The Loudspeaker
Mga gurong mahilig mag-loudspeaker at hindi marunong mag-mute. Nasasagap tuloy ang mga tunog ng mga aso at manok sa bakuran.
5. The Play and Listen
Ito yung mga gurong may ginagawa pa rin habang nakikinig sa seminar. Naka play palagi ang speaker at yung tipong nakikinig kahit nasa kusina.
6. The Serious
Sila naman yung naka focus talaga sa mga paksa ng seminar. Sila yung source of info para doon sa mga hindi masyadong nakinig sa speaker.
7. The Eating Genius
Hindi mapakali ang mga bibig at yung tipong palaging ngumonguya ng pagkain. Syempre, nakakagutom din naman makinig ng seminar.
8. The Timekeeper
Sila yung tagasabi kung break-time na, kung lunch time na at kung malapit na mag alas singko ng hapon. Nape-pressure tuloy ang speaker na bilisan ang paksa.
9. The Reporter
Syempre, sila yung tagapagsalita. Yung naatasang isagawa ang seminar. Sila ang may mas malaking responsibilidad sa kalakaran ng seminar.
10. The Screenshot Nerd
Sa lahat ng pagkakataon sila yung sandalan sa mga MOVs. Sila yung may mga pruweba para pang attendance. Nakasalalay sa kanila ang MOVs ng narrative reports.
Paniguradong nakakarelate ang mga guro dito. Isa din ba kayo sa sumuri kung saan kayo napabilang sa mga nakasulat? – Clea | Helpline PH