Gaano Kahalaga ang INSET Certificate sa mga Guro ng DepEd?

Gaano Kahalaga ang INSET Certificate sa mga Guro ng DepEd

Gaano Kahalaga ang INSET Certificate sa mga Guro ng DepEd?

Naging maugong ngayon sa mga guro ang pagkuha ng sertipiko ng INSET. Bawat paksa at may nakatalagang sertipiko pagkatapos. Ito ay araw-araw sa loob ng isang linggo. Ito ang dahilan kung bakit todo gawa ang mga guro sa mga aktibidad na kaylangang magawa.

Gaano nga ba kahalaga ang INSET certificate sa mga guro? Bakit ganito na lang ang kanilang layunin na makakuha nito?

Pang CPD units

Ito ang pinaka unang dahilan kung bakit napaka importante ng certificates na yan sa mga guro. Tuwing renewal kasi ng lisensya, ito ang hahanapin ng PRC. Isang sertipiko ay may katumbas na puntos kung saan ay tatatakan ng PRC. Ang isang sertipiko ay hindi na pwedeng gamitin sa susunod kaya mas mainam kung marami ka nito. Ang iba nga ay nagbabayad pa para lang sa CPD units. Ang mga guro ng DepEd ay gumagamit ng kanilamg INSET certificates at iba pang valid na sertipiko para dito.

Ranking points

Mas malaki ang puntos na matatanggap ng isang aplikante kung may mga sertipiko na siya. Halimbawa ay yung mga hindi pa regular o yung mga contract-based pa lang. Pwede nilang gamitin ang kanilang INSET certificates para sa ranking para maging regular. Kadalasan may lamang dito yung mga volunteer teachers, substitute teachers, SHS temporary teachers.

Pandagdag points sa applications (promotion/transfer)

Nagagamit ang INSET certificate sa mga nag-aaplay ng promosyon o transfer. Malaki din ang puntos na pwedeng madagdag kung may hawak na sertipiko tulad ng sa INSET.

Pang MOVs

Gamit na gamit din itong pang suporta sa mga reports ng paaralan. Pwede itong gawing MOVs sa mga compilations. Kaylangan din ito ng sekretarya upang ilagay sa 201 files ng mga guro sa opisina. Sa panahon na kaylangan ito, madali nalang itong magamit.

Pang suporta sa mga madaliang requirements ng paaralan

Ito ay karagdagang dokumento para sa mga reports ng paaralan. Tulad nalang sa ngayon kung saan may MEA, SBM at kung anu-anong mga ipinapagawa. Magagamit ang mga certificates sa mga panahong tulad nito.

Kung may propesyun man na kaylangan ng document keeper, ang pagiging guro ang una sa listahan. Sa dami ba naman ng mga papel at dokumento ng isang guro, di mo maiisip ang kasikipan ng lalagyan nila. – Avril | helpline PH