Mga rason kung bakit dapat doblehin ang sahod ng mga guro
Marami ang rason kung bakit dapat doblehin ang sahod ng mga guro dito sa bansa natin. Ang bigat ng responsibilidad at trabaho ng bawat guro ay sakripisyo kung maituturing. Batid nating lahat na maraming papel ang ginagampanan ng bawat guro natin. Kung nagawa ng gobyerno natin na doblehin ang sahod ng ibang naka uniporme, ang sa mga guro pa kaya?
Iisa-isahin natin ngayon ang mga rason kung bakit dapat doblehin ang sahod ng mga guro dito sa bansa.
1. Ang mga guro ang isa sa may pinakamalaking ambag ng tax dito sa bansa natin.
Dahil marami ang mga guro, sila din ang may pinakamalaking ambag sa buwis ng bansa. Malaki ang kaltas ng gobyerno sa sahod ng bawat guro.
2. Mabigat ang responsibilidad ng mga guro sa paaralan at sa komunidad.
Mula sa silid paaralan, hanggang sa komunidad ang responsibilidad ng mga guro. Hindi lamang mga bata ang kanilang inaatupag. Kasabay na dito ang mga aktibidad ng bawat komunidad nila.
3. Sa lahat ng pagkakataon, ang mga guro ang laging handang tumulong sa komunidad.
Saang sulok man ng bansa natin, kapag may mga proyekto ang gobyerno, mga guro din ang katuwang dito. Kasangga ng bansa natin ang mga guro. Kung wala sila, marahil hindi balanse ang takbo ng sosyedad.
4. Hindi nagrereklamo ang mga guro sa lahat ng mga trabahong ibinibigay sa kanila.
Hindi ninyo maririnig na hindi nagtrabaho ang mga guro dahil hindi pa sumasahod. Hindi alintana ng mga guro kung matagal ang sahod o kayay matagal ang mga bonus, ganun pa rin ang trabaho nila.
5. Serbisyo sibil ang hangad ng bawat guro.
Para sa kabataan, para sa mga magulang at para sa bansa ang serbisyo ng mga guro. Hindi pinipili ang tinutulungan at lahat ay ginagampanan.
6. Malaki ang gingampanang papel ng mga guro sa paghubog ng bawat bata.
Hinuhubog ng mga guro sa paaralan ang mga bata at ang karakter ng mga ito. Malaki ang papel ng mga guro sa buhay nating lahat.
7. Karapat-dapat na madagdagan ang sahod ng mga guro tulad ng ibang kawani ng pamahalaan.
Karapat-dapat ang mga guro sa doble-sahod dahil sila ay maituturing na mga bayani. Kaagapay sila ng bansa natin sa pagsulong ng kabutihan at gabay ng mga bata. Hindi madali ang kanilang mga trabaho. Libro, bolpen at papel ang sandata nila na hindi nakikita ng nakararami. Ang mga utak nila ang bala sa lahat ng labanan ng edukasyon.
Marahil hindi ninyo naiintindihan ang tiyaga ng mga guro kahit walang nakamasid. Bawat hakbang na gingawa nila ay buong puso nilang inialay para mga mag-aaral. Hindi alintana ng mga guro ang dami ng trabaho nila dahil alam nilang ginagawa nila ito para sa mga bata. Ito ang mga rason kung bakit dapat doblehin ang sahod ng mga guro nating tunay. – Avril | Helpline PH