Mga magulang dapat doble-ingat sa paalam ng mga anak

    Mga magulang dapat doble-ingat sa paalam ng mga anak

    Dapat tayong mga magulang ay doble-ingat sa paalam ng mga anak natin. Trending kasi ngayon ang post ng isang netizen. Ito ay tungkol sa mga kabataang naghahalikan sa isang resto. Tila ba hindi alintana ng kabataan ang mga mata sa paligid nilang nakatingin. Narito ang buong post ng naturang netizen.

    magulang dapat doble-ingat sa paalam ng mga anak

    “Habang kumain kami kanina sa isang resto may dalawang kabataan sa kabilang table. Maraming tao sa resto maraming mga mag asawa at matatanda, habang nag hihintay ang dalawang bata/kabataan na mag partnet una nag yayakapan pa sila yung sweet na sweet, tapos rinig ko ang pinagusapan nila sabi ng babae bata mag kano binigay ng mama mo sayo? Sagot ng lalake: 1ooo, babae: ano sinabi mo samama mo para bigyan ka ng pera? Lalaki: sabi ko may project tayo sa School. Babae: Ako din yan sinabi ko kaso 500 lang bigay ni mama. Lalaki: basta babe mahal na mahal kita ah ikaw na ang forever ko.

    Mga magulang dapat doble-ingat sa paalam ng mga anak

    Credits: Onesimo Corpuz Villabas Jr

    Makikitang yumuko nalang ang mag-asawang nasa kabilang mesa dahil sila ang nahiya . Dagdag pa ng netizen na huwag agad manilawa sa paalam ng mga anak. Dapat doble-ingat sa paalam ng mga anak ang mga magulang. Ito ay matapos masaksihan ng naturang netizen ang pag-uusap ng mga kabataan. Narinig niya ang pag-uusap ng mga ito kung saan ginawan nila ng paraan ang paghinge ng pera sa mga magulang nila. Minsan kasi ay kunyare silang may gagawing project at hihingi ng pera. Yun pala, dindi napupunta sa project ang pera ng mga ito.

    See also  DepEd: Christmas parties should be simple, with no need for elegant preparations

    Sa panahon natin ngayon, iba na ang mundo ng ating mga kabataan. Totoong dapat supurtahan natin sila sa bawat hakbang na kanilang ginagawa. Ngunit, mas mainam kung doble-ingat sa paalam ng mga anak ang gagawin natin. Ito ay nangangahulugang surrin muna kung talaga bang mga project na gagawin. Mas mabuting tumawag sa guro upang makasigurado. Mas mainam ding magtanong sa mga ka klase o ka grupo kung may project nga talagang gagawin.

    Ang mga kabataan natin ngayon ay mapupusok at walang pakialam sa mga bagay-bagay. Hindi nila alintana ang mga matang nakamasid sa kanila at tila ba hindi nag-iisip. Responsibilidad nating mga magulang na tutukan 24/7 ang mga ginagawa ng mga anak natin. Hanggat sila ay hindi pa tumuntong sa legal na edad, hawak natin ang kanilang mga disisyun. Gabay at wastong aral ang dapat nating isapuso sa kanila upang hindi mahiwalay ng landas. Ang mga pagkakamali ng mga bata ay pagkakamali din ng mga magulang. – Clea | Helpline PH

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *