Mga rason kung bakit hindi dapat ma delayed ang sahod ng mga guro

delayed ang sahod

Mga rason kung bakit hindi dapat ma delayed ang sahod ng mga guro

Ano nga ba ang mga rason kung bakit hindi dapat ma delayed ang sahod ng mga guro? Ang katanungang ito ay napaka simple lang ngunit napaka importante naman sa mga guro. Aalamin natin ngayon ang mga rason kung bakit hindi dapat ma delayed ang sahod ng mga guro.

Photo: kindpng
  • Nakasalalay sa sahod ang buwanang budget ng pamilya. Sa mga petsang 22 kada buwan, ina asahang nasa ATM na ang sahod ng mga guro. Dito din nila binibili ang mga pangunahing panga-ngailangan para sa pamilya.
  • Sa sahod nakasalalay ang mga buwanang bayarin. Ang mga bayarin sa kuryente, tubig, at ano-ano pang mga bayarin ay kinukuha sa sahod ng mga guro. Hindi dapat ma delay ang sahod ng mga guro dahil hindi naman pwedeng e-delay din ang mga gastusin at bayarin.
  • May mga importanteng bagay na dapat isa-alang alang gaya ng pisikal na maintenance. May mga gamutan sa pamilya na hindi pwedeng e-delay din kaya dapat ang sahod ay hindi dapat maantala.
  • Nakakapang hina ng kalooban ang madalas na delay ng sahod. Ito ang dahilan kung bakit hindi makapag pokos ang isang guro sa trabaho.
  • Hindi nagaganyak ang guro sa kanyang trabaho dahil maraming iniisip. Ito ay realidad na tama naman sa lahat. Kahit sinong tao kung matagal ang pasahod, paniguradong hindi talaga magaganyak sa trabaho.

Ang nasa itaas ay iilan lamang sa mga rason kung bakit hindi dapat ma delayed ang sahod ng mga guro. Sa isang buwan, kaisa lang din naman sila tatanggap ng sahod at itoy pahirapan pa. Mas nakabubuti kung may motivation sila sa trabaho na hihintayin.

Pawang lahat ng empleyado sa ating bansa ay nakakaugnay sa usaping ito. Ang tao kasi ay dapat mabuhay at upang mabuhay ay dapat may trabaho. Sa trabaho nakukuha ang sahod kaya malinaw sa lahat kung gaano ka importante ang sahod ng bawat isa. – Avril | Helpline PH