Bakit hindi makapag-resign ang mga guro kahit hindi na masaya sa trabaho
May mga rason kung bakit hindi makapag-resign ang mga guro kahit hindi na sila masaya sa trabaho. Marahil ay iisipin ng iba kung bakit ba may ibang guro na gustuhing umalis sa pwesto gayong may trabaho na sila. Iba-iba kasi ang pananaw ng bawat tao at merong mga taong konti lang pasensya o nahihirapan. Maraming guro ang hindi makapag-resign sa pwesto kahit hindi na sila masaya dito. Ito ngayon ang nangyayari sa mga guro natin sa kasalukuyan.
Intindihin natin ang mga rason kung bakit hindi makapag-resign ang mga guro ngayon.
1. Walang ibang trabahong mapasukan ang mga guro kung magre-resign sa pagtuturo.
Apat na taon sa kolehiyo ang itinuon upang maging guro. Kung magre-resign man ay mahirap ang paghahanap ng ibang trabaho. Sa panahon ngayon, mahirap talaga ang maghanap ng matatag na trabaho na madali lang. Ang realidad, walang madaling trabaho.
2. May mga loans pa na matagal matapos.
Ito ang madalas na rason na hindi makahinto sa pagtuturo ang mga guro. Ang mga loans kasi ay nakatalagang matapos ng pang matagalan. Minsan nga yung iba ay ina abot ng retirement bago nabayaran ang loans.
3. May mga utang sa labas na mahirap mabayaran kung walang trabahong pang matagalan.
Bukod sa utang sa mga bangko, maraming utang ang mga guro sa iba’t ibang tao sa labas. Ito ay dagdag sa problema kung kaya mas mainam ang nasa posisyun parin kesa walang trabaho.
4. Breadwinner ng pamilya kaya mahirap kung umalis sa trabaho.
Halos lahat ng guro ay breadwinner ng pamilya. Hindi maaring walang trabahong pulido dahil sa mga gastusin.
5. May sakit at naka depende lang sa loan na makukuha kung nasa trabaho pa rin.
May iba na nagtatagal sa pagiging guro kahit may sakit dahil ito lang ang solusyon. Kahit may sakit, pwede naman makapag leave at makapag loan para pang tustos sa gamutan.
Kung may mga kakilala kayong mga guro na madali lang at nag-resign kaagad, marahil may pera na sila dati pa. O di naman kaya, hindi talaga sila ang breadwinner ng pamilya at nakaka-angat sila sa lipunan. Ang iba naman, may mga negosyo at hindi talaga prayoridad ang pagtututro.
Ito ang kadalasang mag rason kung bakit hindi makapag-resign ang mga guro sa trabaho. Magkaiba ang kwento bawat guro kaya magkaiba din ang diskarte nila sa buhay. Higit sa lahat, mas nag-uumapaw pa rin ang pasasalamat sa lahat ng pagkakataon. – Avril | Helpline PH