Mga bagay na dala-dala ni titser kung nagbi-biyahe
Ano-ano nga ba ang mga bagay na dala-dala ni titser kung nag bi-biyahe? Sa pagkaka alam natin, halos lahat ng mga guro ay laging handa ano mang oras. Isa na dito ang pagiging handa nila sa tuwing sila ay bumi-biyahe.
Pag-uusaan natin ngayon ang mga bagay na dala-dala ni titser kung nagbi-biyahe. Ito lang naman ang laman ng kanilang bag palage:
1. Maliit na notebook
Ito ay kadalasan sinisulatan nila ng mga importanteng bagay-bagay. Kung may mga meetings, dito nila isusulat ang mga petsa o ano mang impormasyon. Sa uri ng trabahong meron ang mga guro ay dapat nilang tandaan ang mga importanteng detalye.
2. Ballpen na iba-iba ang kulay, lapis din
Hindi ito nawawala sa bag ng mga guro. Sa lahat ng pagkakataon, marami ang transaksyon nila kung saan nagagamit ang mga ito.
3. Sticky Notes
Minsan, may mga bagay at detalyeng dapat na isusulat kung kaya nakakatulong ito. Halimbawa, may magulang na nagtanong tungkol sa detalye ng grado ng anak nila. Pwede mo dito isulat para mabilis.
4. Pitaka, minsan dalawa o tatlong pitaka
Hindi lang isa kundi tatlo. Maraming guro ang gumagawa nito dahil minsan gusto nilang maging handa sa ano man. Kunyare ang isang pitaka naglalaman ng mga i.d at mga papel na pera. Ang isang pitaka naman naglalaman ng mga importanteng dokumento at pera din. Ang isang pitaka ay naglalaman ng barya sapagkat ito ay palaging kaylangan. Kumbaga hindi lang iisa ang lagayan nila ng pera para laging handa.
5. Mga susi, kumpol ng susi
Mas importanteng nakakumpol ang susi para madali lng ma hagip ng kamay. Susi ng bahay, cabinet, classrom at iba pa ang kadalasang dala-dala ni titser.
6. Suklay, lipstick at eyebrow pencil
Hindi nawawala ang mga ito sapagkat dapat laging presentable ang guro ano mang oras. Kunting lipstick at eyebrow lang okay na. Suklayan ng konti, pwede ng rumampa.
7. Liniment at iba-ibang pampahid (pau d’ arco, efficasent, omega, vicks, white flower, etc)
Ito talaga ang hindi nagpapahuli sa lahat. Sa edad na bente singko pataas, marami ng sakit na pwedeng dumapo kay titser . Sa lahat ng oras, karamay nya ang mga liniments na ito upang magpattuloy sa araw-araw lalo na sa biyahe.
8. Cellphone, charger
Sa panahon ngayon kung saan lahat ay nakabase na online, hindi dapat iwanan ang celpon at charger. Nakasalalay kasi ang mga report ni titser dito.
9. Water bottle, candy, strepsils
Sa biyahe kaylangan may tubig at strepsils na dala-dala dahil sa panahon ngayon mahirap na. Sa biyahe hindi maiiwasang matuyo ang lalamunan kaya inu-ubo ang mga guro. Importanteng may tubig na dala.
10. Panyo, wet-wipes, tissue
Kaylangan ang panyo at tissue sa lahat ng oras. Kahit sino naman siguro ay meron nito.
Ganyan kadami ang laman nag isang bag ni titser. Kung tatanungin nyo kung magkasya ba lahat, aba’y oo ang lahat ng iyan ay kasyang kasya. Ang mga bagay na dala-dala ni titser kung nagbi-biyahe ay pawang nakakatulong sa kanya. Ganito ka handa ang mga guro natin sa lahat ng oras. – Clea | Helpline PH