Mga rason kung bakit mas abala ang mga guro ngayong tapos na ang pasukan
Alam nyo bang mas abala ang mga guro ngayong tapos na ang pasukan? Hindi maiiwasang mapag-uusapan talaga ang ilang buwan o araw na bakasyon ng mga guro. Akala ng karamihan ay purong bakasyon na at wala ng trabaho ang mga guro kahit tapos na ang pasukan. Dito sila nagkakamali. Mas abala ang mga guro ngayong tapos na ang pasukan dahil sa mga sari-saring forms at reports sa paaralan.
Narito ang mga rason kung bakit mas abala ng mga guro ngayong tapos na ang pasukan:
1. Mansinsinang checking ng mga answer sheets, outputs at projects ng mga mag-aaral.
Mas mahirap ngayon dahil si titser lamang ang gumagawa ng lahat. Kumpara noong wala pang pandemya na ang mga bata ang nag tsi-tsek ng mga answer sheets nila.
2. Pagkatapos ma check ang mga papel, maiging pag-rerekord naman ng mga iskor sa class record.
Minsan ay nakakalula ng mata sa dami ng numerong dapat i-rekord.
3. Madalian pero masusing pagkwenta ng grado ng bawat mag-aaral.
Dapat masusi ang pagkwenta ng bawat grado upang hindi magkakamali. Ang grado ay importante sa bawat mag-aaral.
4. Paulit-ulit na pag-review ng mga data upang masigurong tama ang gradong mai-kumpyut.
Konting kamalian lang ay nanga-ngahulugang dobleng trabaho kaya dobe ingat din.
5. Pagsusulat ng mga grado sa grade sheets bawat adviser.
Nakakalulang numero ang nag-aabang sayo dito.
6. Paglipat ng mga grado galing sa grade sheets papuntang card ng bawat mag-aaral.
Dapat maging maingat dahil ang card ng bawat bata ay dapat malinis.
7. School-based checking ng mga grado bago ang division-wide checking.
Ma e-ensayo mo dito ang bilis mo sa pagbigkas ng mga numero.
8. Pagtatapos ng mga kaylangang forms ng mga bata.
Lahat ng forms ay may deadline kung kaya ay pabilisan ng pagtatapos ang sandata dito.
9. Virtual Graduation
Hindi biro ang maghanda ng virtual graduation dahil mag-eedit ka ng masinsinan dito.
10. Iba’t ibang reports ng paaralan na dapat asikasuhin at ipasa sa division.
Maraming iba-ibang reports pa ang hinihingi ng division na may deadline lahat.
Iilan lamang ito sa mga pinagkaka abalahan ng ating mga guro sa serbisyo. Kaya sa mga hindi pa nakaka alam, kahit sabado at linggo ay gumagawa pa din sila ng mga gawain. Ito ay upang mai-sumite nang mas maaga ang mga pormang kaylangan ng mga bata sa pag-akyat sa susunod na taon. – Clea | Helpline PH