Skip to content

Virtual INSET 2021 certificates, maari bang pangrenew ng PRC License?

Maari bang pangrenew ng PRC License?

Sadyang napakahalaga ng isang certificate para sa mga guro dahil magagamit ito para sa CPD units sa PRC License Renewal. Kaya naman, ganoon na lang ka-traffic ang website ng PD-LMS kung saan doon makukuha ang mga certificates ng virtual INSET 2021.

Ipinaliwanag ng DepEd Educational Technology Unit na maaaring gamitin sa PRC License Renewal ang mga sertipiko na matatanggap mula sa mga training ng EdTech.

Saad ng DepEd EdTech Unit Head Mark Anthony Sy, pinoproseso na ng ahensiya upang maging CPD Provider ang EdTech Unit para sa PRC at maglalabas ng anunsyo tungkol dito sa oras na ma-aprubahan ito.

“Si Usec. Alain Del Pascua po ay sumulat na sa Chairman ng PRC, so let’s just wait po for the good announcement,” wika ni Sy.

Pinaalalahanan din ang mga guro na i-print ang Memorandum ng mga Training. Ito ang magsisilbing legal na basihan na maaaring isama sa pagrerenew ng License.

Dadag pa niya, ang mga sertipikong matatanggap ay may QR Code. Ito ay ii-scan at lalabas ang detalye ng training na magpapatunay na lehitimo itong mula sa DepEd.

4 thoughts on “Virtual INSET 2021 certificates, maari bang pangrenew ng PRC License?”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *