Service Recognition Incentive (SRI)
Hihihintay ngayon ng bawat guro sa pampublikong paaralan ang pagdating ng kanilang SRI. Naka tanggap na kasi ang iba pang mga empleyado sa iba’t ibang sektor ng gobyerno. Taging ang DepEd nalang yata siguro ang hindi pa nakatanggap nito.
Matiyaga din naman ang mga guro sa paghihintay dahil alam nila ang proseso dito. Sa pagkakataong ito, pag-uusapan natin kung bakit ba matagal ang pag-release ng pondo o ng SRI ng mga guro.
1. Ang halaga ay kukuhanin sa pondo galing sa Personnel Services (PS) at MOOE. Ito ay hihilain galing sa funds ng mga paaralan, division, region at central office. Ito ay nangangailangan ng oras upang isumite ang consolidated result sa DBM.
2. Kung nai-sumite na ang consolidated result ay kailangan pa itong i-evaluate at aprobahan. Ang DBM na mismo ang susuri dito at siya din may kapangyarihang mag approve.
3. Ang halaga ng SRI ay dapat “uniform” o magkapreha and rate sa lahat ng empleyado ng DepEd.
4. Kailangan ng mahabang pasensya at kooperasyon upang maging madali ang pag proseso nito. Dapat tama ang proseso upang talagang malaman kung magkano ang kabuuang halaga. Dito kasi na kukwenta kung magkano ang posibleng uniform rate na maibibigay.
5. Ginagawa na ng administrative at finance units ang kanilang tungkulin dito. Ito ay pino proseso na nila upang mapadali ang pag labas ng SRI at makarating na sa mga guro.
Sa mga guro na naghihintay, konting pasesnya pa at makakatanggap din tayo ng biyaya. Hindi naman bago sa atin ang mga kaganapang ganito. Inaasahan na talaga natin ang ganitong mga pangyayari lalo pa at pondo ang bida. Sa dami kasi ng mga guro sa bansa ay medyo malaking proseso din talaga ang kailangan.
Para naman sa mga staff na gumagawa ng trabaho upang mailabas ang SRI, salamat sa inyo. Lubos kaming nagpapasalamat dahil kahit papaano, may inaabanagan kaming biyaya. – Clea | Helpline PH