VIRAL: Principal na, nagcoconstruction worker pa
Proud na proud na ibinahagi ng isang anak ang kasipagan ng kanyang ama na isang principal.
Sa social media post ni Jose Elvis Michelet Lumbo, ibinahagi niya na gabi na umuwi ang kanyang ama na si Elmer Lumbo, 59 anyos, principal ng Habana Intergrated School Iloilo, dahil tinatapos nito ang pagsesemto ng hagdanan at pagririprap sa kanilang paaralan.
Sadyang masipag raw ang kanyan ama , ayon kay Jose.
Lagi itong umuuwi ng gabi kung may dapat tapusin na trabaho sa paaralan.
Kahit nga daw birthday nito ay nagpupunta pa rin sa paaralan upang unahin ang mga gawain.
Saad naman ng kanyang ama, gusto niya na siya mismo ang gumagawa ng mga bagay-bagay upang masiguro na tama ang pagkakagawa. Kaya siya na rin ang nagsesemento at nagririprap sa kanilang paaralan.
“I have to do what is best for the school”, saad ni Mr. Lumbo.
Isang mabuting ama si Mr. Elmer Lumbo sa kanyang 6 na anak. Apat dito ay nakapagtapos na ng pag-aaral( 2 teacher, 1 engineer at 1 graduate ng cosmetology) at ang dalawa sa kanyang anak ay nag aaral pa.
Basahin ang kabuuang kwento sa ibaba.
“At 8:51pm , Wala ako kakita ka Principal sa bilog ka Pilipinas nga ga Mason ga construction kag gapasadya Kang School nila, si tatay Sir Elmer Lumbo Lang gid Principal Kang Habana Integrated school, Buruanga, Aklan
#tayElmerlangMalakas
#Proudtatay”
Credits: Jose Elvis Michelet Lumbo