Maaari bang “mag-online selling” ang mga public school teacher?

Maaari bang “mag-online selling” ang mga public school teacher?

Maraming guro ang nagsasabing sadyang kulang na kulang ang buwanang sahod para tustusan ang mga pangangailan ng bawat pamilya. Kaya naman, hindi maiwasan na humanap ng ibang pagkakakitaan ang ating mga guro para madagdagan ang kani-kanilang income.

Isa sa mga paraan at trend ngayon ay ang pag-oonline selling na pinapasok ng karamihan at pati na rin ng ating mga guro.

Ang tanong ngayon ay legal ba ang pagpasok sa ganitong negosyo gayong nagseserbisyo tayo sa publiko?

Anu-ano ang kailangan e.comply bago mag-online selling?

Alamin ang mga sagot sa ibaba.

T: Maari po bang  “mag – online selling” bilang regular na Gawain/ negosyo ng isang pampublikong guro?

S: Alinsunod sa Sec. 146 ng CSC Omnibus Rules on Appointments and Other Human Resource Actions (ORA ORAH), maaaring magnegosyo, gaya ng “online selling”, ang mga kawani ng gobyerno kapag naisagawa o natupad ang itinakda ng batas. Sa kalagayan ng mag pampublikong guro, ito ay ang mga sumusunod:

– Kailangan ng kasulatang nagpahintulot mula sa Head of Office alinsunod sa alituntunin ng DepEd;

– Ang oras na ilalaan sa pagnenegosyo ay hindi makaapekto sa mabisang pagtatrabaho;

– Ang negosyong isasagawa ay hindi salungat sa interes ng ahensiya o trabahong ginagawa;

– Walang gagamitin na ano mang pagmamay – ari ng gobyerno.

Irehistro din ang negosyo sa LGU/ DTI/ SEC/ BIR, kung kinakailangan.

Para sa karagdagang kaalaman sa ORA ORAH,

Maaring magpunta sa www.csc.gov.ph

Original Post:

Credit: EducAttorney Page