Bakit maraming public school teachers ang nag e-early retirement
Kadalasan, inaasahan natin na ang retirement age ng tao ay nasa 60 hanggang 65 na taong gulang pero minsan, palihim na nag nanais na mka retiro sa pag ta-trabaho ng mas maaga. Ang pag iisip ng maagang pag reretiro sa trabaho ay nagdadala ng kaunting kasiyahan dahil maraming bagay-bagay ang pwedeng gawin habang kaya pa. Hindi malayo kung kaya ay marami ding mga public school teachers natin ngayon ang madalas na nag reretiro sa pag tuturo nang maaga. Pag uusapan natin ngayon ang mga kadahilanan o rason kung bakit maraming mga guro sa pampublikong paaralan ang nag reretiro sa kani-kanilang mga posisyun ng maaga pa.
1. MAY MGA SAKIT NA (HEALTH ISSUES)
Maraming guro ngayon ang natatamaan ng mga sakit dahil na rin siguro sa stress. Dahil sa iba na nga ang panahon natin ngayon kompara dati, kung saan isang dahilan na din ang mga kinakain natin kung kaya ay mahina ang mga katawan at dahil dito ay medyo madali lamang tayong kapitan ng mag sakit lalo na yung mga gurong medyo may edad na 50 taong gulang pataas. Dahil sa mga iniindang sakit, napipilitang mag retiro nang maaga ang ibang guro para magpagaling nalang sa kani-kanilang mga tahanan.
2. DI NA MAKASABAY SA BAGONG TEKNOLOHIYA (CAN’T GET A HOLD OF THE NEW TREND IN TECHNOLOGY)
Dahil sa pag usbong nga makabagong teknolohiya ay parang hindi na makasabay ang ilan sa mga gurong may edad na. Nahihirapan silang makibaka sa bagong henerasyon at kung paano ito ipinatatakbo. Dahil dito, mas bubutihin nalang ng ibang mga guro na mag retiro nang maaga at makawala sa mga balakid na dulot ng makabagong teknolohiya na para sa kanila ay isang malaking pasanin.
3. PAGOD NA KAKA-TRABAHO (TIRED OF WORKING ALREADY)
Talagang ang ibang mga guro ay pagod na sa matagalang pagtuturo kung kaya’t nanaisin na lamang nilang mag retiro nang maaga para makawala sa stress at pagod na dulot ng trabaho. Literal na trabaho katulad ng mga paperworks at iba pa (sa bagong henerasyon kasi mas marami ang paperworks na gawain ng mga tistser).
4. BUONG PAMILYA AY MAG IMMIGRATE SA IBANG BANSA (IMMIGRATE TO ANOTHER COUNTRY)
Marami din ang mga gurong swerte at minsan ay nakaka pag immigrate sa ibang bansa kasama ang kanilang pamilya. Syempre, kung hindi naman masyadong kaylangan ang pera, magreretiro talaga ng maaga at don na lamang manirahan sa ibang bansa kasama ang kanilang mga anak at mga apo. Marami akong kakilala ang gumagawa nito at kadalasan nag e-enjoy nga naman sila sa kani kanilang mga buhay.
5. GUSTONG MAG TRAVEL HABANG BUHAY PA (WANTS THE REST OF THEIR LIFE TRAVELING)
Sino ba naman ang aayaw sa pagnanais na maka lipad sa iba’t ibang sulok ng mundo diba? Ang pinapangarap ng lahat na bakasyon na walang humpay at gawin ang gusto nila na hindi pa nila nagawa noong sila nay nag ta-trabaho pa lamang. Dahil nga halos buong buhay natin ay nakalaan sa pag babanat ng buto para sa pamilya kung kaya wla tayong oras para sa bakasyon dahil hindi naman tayong lahat ipinanganak na mayaman. Ito ay kadalasan ang rason kung bakit maraming guro ang nag reretiro nang maaga.
6. MAY IBANG PINAGKAKA ABALAHAN (NEW HOBBY TO EXPLORE)
Yung iba, nag reretiro sila dahil gusto nilang ibaling ang buong oras nila sa kanilang bagong libangan. Yung mga libangan na hindi nila inaasahang magugustohan nila. Halimbawa ay ang pag ga-garden o farming.
7. WALA NG PINAG-AARAL (THEIR CHILDREN ARE NOW THE ONES WHO SUPPORT THEM)
Ang ibang may edad na guro ay swerte dahil sa malalaki na ang mga anak nila at wala na silang pinag –aaral kung kaya ang mga anak na nila ngayun ang sumusuporta sa kanila. Ang mga anak na mismo ang nagpapahinto sa kanila sa pag ta-trabaho. Kumbaga, “payback time” para sa kanilang mga magulang sa ilang taong pag ta-trabaho para sa mga anak nila.
8. GUSTONG MAKAWALA SA STRESS (FREEDOM FROM STRESS)
Ang lahat ng nag reretiro talaga nang maaga ay gustong makawala sa ‘stress’ na dulot ng ilang taong pag tuturo. Simple lang, gusto na nilang magpahinga sa kanilang mga sariling tahanan.
Ang lahat ng disisyun sa buhay ay dapat panga-ngatawanan natin kung kaya, kahit ano pa man ang mangyari lagi dapat nating iisipin na kahit wla na tayo sa trabaho ay ma enjoy natin naang maayos ang ating mga ginagawa. – Clea | Helpline PH