Bakit ubos na ang bonus ng mga guro kahit hindi pa ito dumadating
Ang buwan ng Mayo ang pinaka hinihintay ng mga guro dahil sa buwang ito dadating ang bonus, ngunit bakit maraming guro ang “ubos na ang bonus kahit hindi pa nga ito dumadating”? Tatalakayin natin ngayon ang mga rason hinggil dito.
Ibinenta na ni titser ang kanyang bonus bago paman ito dumating
Madalas ngayon ay uso sa mga guro ang ibenta ang bonus sa mga tumatanggap ng ganitong klase ng loan, kung kaya ay sa araw na dapat sana ay ipagsasaya ay malungkot na dahil hindi na masisilayan ang bonus ng mga guro. Maaaring kahirapan ang nag u-udyok sa mga guro dahil sa totoo lang, walang guro ang yumaman sa pagtuturo, bagkus ay puno pa kami sa mga utang (hindi lahat pero kadalasan).
Nakasangla na ang ATM ni titser kaya wala na siyang tatanggapin
Marami rin ang nakasangla ang mga ATM kung kaya pag dating bonus ay sukli nalang ang tatanggapin at minsan nga ay wla na itong sukli,
May pinaglalaanan na ang bonus kung kaya pagkadating nito ay sadya naman itong ibabayad kaagad
Marami ding mga guro ang maraming pinaglalaanan ng kanilang bonus kung kaya pagdating nito, ay wla din lang dahil ipambabayad na lang sa mga utang.
Maraming bayarin si guro kung kaya nangutang muna kapalit sa bonus
Madalas ang guro ang “breadwinner” ng pamilya kung kaya ay minsan ubos na talaga ang sahod dahil sa dami ng bayarin na dapat unahin. Pagkadating ng bonus ay nauuna talaga ang pagbabayad sa mga ito.
Wala na talagang matitira dahil nakalaan na sa mga bayarin sa bahay
Sa ayaw at sa hindi, ang pera ay madaling ubusin at ang matitira sa sahod ay siya nalang pagkasyahin sa gastusin ng pamilya kung kaya minsan ay walang wala na talagang matitira at kahit sa bonus man ay walang pinagkaiba.
Maaring hindi lahat ng guro ay nakararanas ng mga nabanggit lalo na yung mga bata pa at wala pang sairiling pamilya. Bawat piso ng ating kinikita ay ating bigyang importansya dahil hindi na ngayon madali ang kumita, kahit ang bonus nga ay naglalaho nalang na parang bula. – Clea | Helpline PH
If you’re looking for FREE downloadable teaching materials and resources such as workbooks, worksheets, forms, guides, and modules, you can download it below:
[table id=1 /]