Ano ang kwento ng 13th month pay mo?
Inaasahan ng bawat guro ang kanilang matatanggap na 13th month pay o bonus ngayung darating na buwan ng Nobyembre. Ito ay isa sa mga pinaka hihintay na buwan ng halos lahat ng empleyado mapa gobyerno man o mapa pribado dahil ang matatanggap na biyayang ito ay malaking tulong sa mga gastusin ng bawat isa.
Ang mga guro sa pampublikong paaralan ay ang unang mga indibidwal na nag hihintay sa pagdating ng kanilang mga bonus. Hindi paman natatanggap ang bonus ay may pinaglala-anan na kasi ang mga guro dito. May mga iba’t ibang kwento at karanasan na hinding hindi malilimutan pagdating ng bonus. May kwento ka rin bang 13th month pay? Ngayon ay pag-uusapan natin ang iba’t-ibang istorya ng 13th month pay ng mga guro.
Bonus na matatanggap, tiyak mapupunta sa pangarap!
Sa mga baguhang guro na wala pang pamilyang pinaglalaanan ng kanilang mga pera, tiyak na may proyektong mapagtatapos. Ang pinapangarap na gustong bilhin at maipagawa ay paniguradong mabibili na. Pangarap na TV, Ref, at iba pang kayang bilhin ng bonus para maibigay sa mga magulang ay tiyak na pasok at swak sa bonus na tatanggapin.
Bonus na darating, hindi makakapiling!
Sa mga gurong lahat ng sahod ay ubos sa loan at pati mga allowances ay ipinagbenta na rin, ganito talaga ang set-up kapag maraming gastusin kada buwan. Hanggang sa pagbenta ng bonus ginagawa na din para makaraos lamang. Kaya bonus, hindi na mkakapiling dahil hindi pa natatanggap ay ubos na.
May pinaglalanan na, hanggang withdraw ka nalang tapos paalam!
Meron din naman yung mga guro na hanggang sa pag wiwidrow lang ng bonus tapos ilang minuto pa sa kamay ang pera ubos na dahil ipinangbayad sa iba pang utang. Reyalidad ito ngayon at hindi na ito bago sa mga guro dahil halos lahat ay ganito ang set-up. Gayunpaman, sanay na kami at kahit papaano ay nkakaraos pa din naman.
Bonus na inaasam, hindi mo masisilayan!
Kadalasan ito sa mga guro na wla na sa kanila ang kanilang mga ATM cards dahil nandoon na sa mga taong nagpapautang at kinukuha ang ATM bilang collateral. Hanggang sa pag aasam na lamang at talagang hindi na masisilayan ang mga bonuses!
Bonus ay nakalaan sa pang early Christmas shopping.
May ibang guro na tipid talaga sa kanilang mga gastusin at ang mga bonuses nila ang kanilang ilalaan para pang Early Christmas shopping para sa pamilya at mga ina-anak. Ang mga gurong kadalasang gumagawa nito ay yong mga wala pang asawa at marami pang pondo sa kanilang mga bulsa
Goodbye bonus, sa utang ka lang pala mapupunta.
At halos lahat ng guro, wala na talagang matitira sa kanilng mga bonus. Ito yung sinasabi na hindi pa na tatanggap ang bonus ay ubos na ito.
Ito ang mga iilan sa mga kwentong bonus ng mga guro. Nakakatuwa na may halong lungkot din minsan. Ngunit kahit paman sa lahat, umaapaw pa din ang pasasalamat dahil malaking biyaya na ang pagtanggap ng bonus lalo na sa panahon ngayun kung saan ay may pandemya. – Avril| Helpline PH