Bakit nauubos ang oras ni teacher sa pag Tsi-tsek ng mga activity sheets?
Maraming bagay bagay ang dapat na isa alang-alang sa pagpapatupad ngayon ng tinawatawag ng lahat na “new normal” at kaakibat nito ang maraming pagbabago din na dapat ay tingnan lalo na sa mga pampublikong paaralan. Sa pagpapatupad ng new normal way of teaching ay maraming sakripisyo ang ginawa ng nakararami lalong lalo na sa mga mag-aaral, mga magulang at mga guro.
Sa pagnanasang maibigay ang edukasyon kahit sa panahon ng pandemya, minabuti ng mga guro na e-modyular ang pagtuturo upang hindi mahinto ang mga studyante sa pag-aaral. Hindi biro ang trabaho ng mga guro sa paghahanda ng mga modyuls na siyang gagamitin ng mga mag-aaral upang itaguyod ang kanilang pag-aaral ngayung panahon ng pandemya. Mula sa paghahanda ng mga modyuls, pag pi-printa ng mga ito, pag di-distribute, pagkuha (retrieval), pag kwarantina ng mga papel,pag tsi-tsek (kung saan ay pokos ko sa aking artikulo ngayun), at pag rerecord ng mga scores ng mga studyante ay napakabigat na tungkulin at trabaho ng mga guro na pilit na ginagampanan kahit paman sa mga batikos na ibinabato ng mga tao sa kanila.
Hindi kasya ang isang araw para gawin lahat ang mga nabanggit sa itaas. Isang buong lingo ginagawa ng mga guro ang lahat ng mga gawain at kahit sabado at linggo ay ginagamit pa din nila sa pag tsi-tsek ng mga modyuls.
Sa pagtsi-tsek naman ng mga activity sheets, halos hindi matapos tapos ng ilang araw dahil sa dami ng mga ito. Bakit kaya nauubos ang oras ni titser sa pagtsi-tsek lamang ng mga Activity Sheets ng mga studyante? Iisa-isahin natin ang mga rason.
- Bago i-check ang mga Activity Sheets ay ikwina kwarantina din ang mga papel para masiguradong ligtas ang mga guro.
- Sobrang dami ng mga etsi-tsek na papel dahil din sa dami ng sasagutan ng mga mag-aaral.
- Isang guro lamang ang magtsi-tsek ng kanyang mga activity sheets na nasagutan ng mga bata sa bawat subject (Hal. Filipino titser ka at sakop mo lahat ang Grade 7, kung gaano karami ang studyante sa Grade 7 ay siya namang kadami ng papel na itsi-tsek mo).
- Hindi lamang isang Grade level ang nasasakupan ng isang titser, merong iba may Grade 7, Grade 8 at pataas kung kaya nahihirapan na matapos na itsek lahat ng papel sa ilang araw lang.
- Kaylangan i-balanse at i-skedyul ang bawat araw dahil hindi naman pwedeng puro tsek lang ang gagawin. Dapat multi-tasking upang masulit ang limang araw Mula Lunes hanggang Byernes (madalas kasali pa ang Sabado)
- Kung papalaring maagang matapos ang mga gawain, ire-rekord pa ng mg guro ang mga scores ng bawat mag-aaral.
Maraming tao ang hindi nkaka-relate sa gawain ng mga guro dahil ang buong akala nila ay wlang ginagawa ang mga ito ngunit kung talagang uusisahin lang nila ang mga sakripisyo ng bawat guro ay paniguradong mawiwindang sila sa mga kaakibat na trabaho na minsan ay susukuan ng ibang tao. Tanging mga guro lamang ang nakakaalam kung paano nila ginagampanan ang kanilang mga tungkulin at pagbutihan ang kanilang mga responsibilidad. Ang tanging hiling lang nila ay sana ay kahit mahirap ang sitwasyun, ay pahalagahan ng mg mag-aaral ang kanilang mga modyul at sagutan ng maayos ang kanilang mga activity sheets. Hindi kailangang perperktu ang score ng mg mag-aaral ang importante ay ang may natutunan kahit konti lang galing sa mga modyul na pinaghirapan gawin ng mga guro nila. – Clea | Helpline PH