Mga rason kung bakit may Banal na Misa sa mga paaralan kada buwan
Gaano ba ka importante ang banal na misa sa mga paaralan kada buwan? Ito marahil ay masasagot ng kahit na sinong guro at estudyante sa ating komunidad. Kadalasan kasi ng mga pampublikong paaralan ay may banal na misa kada buwan. Karamihan kasi sa atin ay Katoliko at isa ito sa pagpapakita ng ating pananalig. Tatalakayin natin ngayong ang mga rason kung bakit may banal na misa sa mga paaralan kada buwan.
1. Ang pagkakaroon ng banal na misa sa mga paaralan ay paraan upang mas mapalapit ang mga bata sa Diyos.
Hindi man lahat ng mga bata ay Katoliko, pero lahat ay may takot sa Diyos. Ang ibang paaralan, tuwing huling Linggo ng buwan ipinagdadaos ang misa. Sa mga batanag hindi naman Katoliko, may pagtitipon din sila kada buwan.
2. Nagsisilbing tulay upang mas maunawaan ng mga kabataan ang importansya ng pananalig.
Ang pananalig sa Diyos ay kaylangan maintindihan ng mga bata lalo na at silay lumalaki.
3. Ito ay alay din sa mga batang nahihirapang bumiyahe tuwing Linggo upang magsimba.
May ibang bata na hindi nagsisimba tuwing Linggo dahil kapos sa pamasahe. Hindi sila makapunta ng bayan o sentro kaya mas mabuti ang may misa sa mga paaralan.
4. Nakakatulong ito upang hindi makalimutan ng mga kabataan ang kahalagahan ng pananampalataya.
Ang misa ay siyang nagpapa-alala sa mga bata sa kahalagahan nag pananampalataya.
5. Mas magandang may basbas ng pari ang mga paaralan kahit kaisa sa isang buwan.
Ang mga paaralang walang basbas ay maraming namamahay na ibang elemento. Mabuting may basbas ng pari kada buwan ang ating mga paaralan at mga sulok nito.
6. Nakakatulong din ito upang mas makilala ng mga bata ang pari ng parokya sa isang distrito.
Mainam na kilala ng mga bata ang kanilang kora paruko. Marami din kasing mga bagay na dapat ituro sa mga bata na sa simbahan lang nila malalaman. Kung kilala nila ang pari ay paniguradong hindi sila mahihirapang lumapit dito.
7. Napagbubuklod ang lahat tuwing may misa.
Ang lahat ay nabubuklod tuwing may misa. Ang misa any nagsisilbing pagtitipon ng lahat.
Halos lahat ng pampublikong paaralan sa bansa ang sumusunod sa tradisyon na ito. Ganito kahalaga ang banal na misa sa mga paaralan sa bansa natin. – Clea | Helpline PH