Anak ng gurong binastos ng kanyang mga estudyante, ipinagtanggol ang ama
Kamakaylan lang any lumabas ang post ng anak ng gurong binastos ng mga estudyante sa GC. Ipinagtanggol niya ang kanyang ama sa mga estudyanteng walang respeto. Ang anak ng gurong binastos ay si Laire Marie Machacon na isang cabin crew. Hindi napigilan ng dalaga ang maglabas ng hinanakit niya. Hindi niya masikmura ang viral post kung saan minura at binastos ang kanyang ama.
Masakit sa anak ng gurong binastos na si Laire Marie ang sinapit ng kanyang ama. Sa facebook post ni Laire Marie, inilahad niya kung gaano kabuti ang kanyang ama na si Sir Hans Machacon.
“To everyone who has really gone oceans and given light to people on their own experiences on how patient, kind-hearted, and good my father is, thank you,” – Laire Marie
Ayon kay Laire Marie, hindi siya makatulog matapos niyang mabasa ang viral post. Hindi niya matanggap ang mga pangit na salitang ginamit at mura ng mga bata. Nang sabihin niya daw ito sa ama, sinabi daw nitong hayaan nalang sila. Pero hindi matanggap ni Laire Marie ang insultong inabut ng kanyang ama. Narito ang kanyang paliwanag:
“Papa is both a Civil Engineer and a Geodetic Engineer, a TOPNOTCHER. And if you give him any Math problem, he’ll look into it, study it for a few minutes and solve it. In other words, Papa eats numbers and equations for breakfast!”
“I tried my best to reach out to the parents of the kids however I was only able to reach 2 of them. Professionally, I asked them if they are aware of what their kid did and what actions could have caused it and what can they do about it.”
“Again, thank you to everyone who’s always cheering papa up. Love and light! To Papa Hans Machacon, you have a lot of genuine people who’ve got you pa. We all love you!”
Wala pang tugon ang paaralan o ang DepEd hinggil sa isyung ito. Siguro ay panahon nang ibalik ang dating disiplina sa loob ng mga paaralan. Dapat matauhan na rin ang mga magulang na mga batang sangkot sa isyu at sa lahat ng kabataan.
Tandaan nating salamin ng mga magulang ang mga anak nila. Kung ano ang mga anak ay iyon din ang mga magulang dahil sa tahanan nagsisimula ang lahat. Responsibilidad ng mga magulang na itama ang tabas ng pag-uugali ng kanilang mga anak. – Clea | Helpline PH