Mga laro ng mga mag-aaral noong dekada 80 at 90 na kinalimutan na ngayon
Kayo ba ay mga batang 80’s at 90’s? Naranasan niyo ba ang mga laro ng mga mag-aaral noong dekada 80 at 90? Tila ba nagbago na talaga ng tuluyan ang panahon dahil iba na ang ihip ng buhay natin sa kasalukuyan. Ang mga kabataan natin noon ay masayang makikita natin sa bawat sulok ng komunidad. Hindi na naglalaro ang mga bata sa labas sa kasalukuyan.
Tatalakayin natin ngayon ang mga laro ng mga mag-aaral noong dekada 80 at 90 na kinalimutan na ngayon.
1. Jackstone
Nilalaro ng mga bata tuwing lunch-break. Hindi na lumalabas ng classroom ang mga bata dahil dito.
2. Chinese garter
Ang larong ito ang dahilan kung bakit nag-aamoy pawis ang mga bata noon.
3. Tago-taguan
Sa dami ng pwedeng pagtaguan ay kukulangin ang isang oras na breaktime para dito.
4. Bahay-bahayan
Magandang laruin kung palaging wala si maam dahil may meeting/seminar.
5. Lupa-langit
Maraming bata ang nahumaling sa larong ito noong araw.
6. Bato-Lata
Isa din sa pinakasikat na laro noong araw na nilalaro ng halos lahat ng bata.
7. Lastiko
Natatandaan ko pang galit na galit si maam nami noon dahil sa mga kamay ng mga ka-klase kong sobrang dumi dahil dito.
8. Stickers
Kung naabutan nyo ang mga pagkaing may lamang stickers ng ghosfighter sa loob.
9. Jolen/Holen
Isa sa mga larong nagpapadumi ng kamay ng mga bata.
10. Skipping rope
Pagkapasok sa classroom ay tiyak mag aamoy-araw ang mga bata dahil sa larong ito.
11. Luksong-tinik
Nahuhumaling din ang mga mag-aaral sa larong ito noon.
12. Luksong-baka
Kung malakas kang lumukso ay tiyak mag eenjoy ka dito.
13. Hoolahoop
Nagdadala ng hoolahoop ang mga batang babae noon sa paaralan.
14. F-L-A-M-E-S
Ito lang yong pagkakataong namumuo ang mga “crushes” ng mga kabataan. Walang bahid ng iba kundi purong kabataan lamang.
Ito ang mga laro ng mga mag-aaral noong dekada 80 at 90 kinalimutan sa kasalukuyan. Ibang-iba na kasi ang mga kabataan ngayon kung saan nahuhumaling na sa gadget. Wala na silang panahon sa paglalaro kaya madaling ma depress. Kung sana ay maibalik ang dati kung saan ay masaya ang mga bata at walang bahid ng depresyon sa iilan. – Clea | Helpline PH